Bugtong

| February 13, 2009 | 9 Comments

Ang Bugtong ay naglalarawan ng bagay na pinahuhulaan, ito’y nangangailangan ng mabilisang pag-iisip.

 

 

Tanong

Sagot

Binaltak ko ang baging

Nagkakarang ang matsing.

Kampana

Ang manok kong pula

Umakyat sa puno ng sampaka

Ng umuwi ay gabi na.

Araw

May isang prinsesa, nakaupo sa tasa.

Kasuy

Hiyas na puso, kulay ginto, mabango kung amuyin, masarap kung kainin.

Atis

Butong binalot ng bakal, bakal na binalot ng kristal.

Lansones

Buhayin mo ako’t

Agad akong mamamatay

Patayin mo ako’t

Hahaba ang aking buhay.

Kandila

Dalawang bolang itim

Malayo ang nararating.

Mata

Isang balong malalim

Punong-puno ng patalim.

Bibig

Heto na si kaka

Bubuka-bukaka.

Gunting

Bunga na ay namumunga pa.

Bunga

Nakatalikod na ang prinsesa, mukha niya’y nakaharap pa

Balimbing

Kung tawagin nila’y santo, hindi naman milagroso.

Santol

Nang maliit ay gulok

Nang lumaki na’y sandok.

Niyog

Nang umalis ay lumilipad

Nang dumating ay umuusad.

Ulan

Bahay ni Mang Pedro, punung-puno ng bato.

Papaya

Sa araw ay bumbong

Sa gabi ay dahon.

Banig

Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.

Saging

Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.

Bayabas

Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin.

Duhat

Baboy sa pulo, ang balahibo ay pako.

Langka

May langit, may lupa, May tubig, walang isda.

Niyog

Tiningnan nang tiningnan. Bago ito nginitian.

Mais

Tags: , , ,

Category: Bugtong

About the Author (Author Profile)

Comments (9)

Trackback URL | Comments RSS Feed

  1. Are you sure with your answers I think they are wrong I search it in the other net

  2. ...... says:

    ummmm….is there a bugtong that the subject is kagamitan sa paglilinis ummmm thx

  3. ALexanne says:

    eto bugtong sagutin neu “sino ako?

  4. ALexanne says:

    sana nga matalas ang pag iisip dito

  5. hardteam10 says:

    marlon tikiG …^_~ (*_*)..:)

  6. ":" says:

    Kiti Kiti Ka Ba kasi nkita kita nagswiswiming ng ddive at
    ffloating

  7. hhahaha nice 2
    dami kung natutunan :)

  8. janlouiesebastienpaduganao says:

    sagutin nyo to nung maliit submarino nung lumaki eroplano

Leave a Reply