Editoryal: Mga Bahagi ng Editoryal
Bahagi ng Editoryal at
Mga Tuntunin sa pagsulat ng Editoryal o pangulong-tudling…
Mga Bahagi ng Editoryal
1. Panimula o news peg. Ito ang paksa o balitang batayan ng isusulat na tudling. Narito ang mga tala o detalye ng paksa. Kailangang ito ay maging maikli lamang.
2. Katawan. Ito ang kuru-kuro o palagay ng sumulat ukol sa paksa. Maaaring laban o sang-ayon siya sa paksa. Narito rin ang layunin ng sumulat ng editorial.
3. Panapos o pangwakas. Pagpapatibay ito ng kuru-kuro at pagbibigay ng mungkahi o solusyon sa tinatalakay na isyu.
Mga Tuntunin sa Pagsulat ng Editoryal
1. Magkaroon ng kawili-wiling panimula, maikli lamang upang akitin ang mambabasa.
2. Buuin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan nang maayos at malinaw.
3. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran. Sa halip ay—
a. Gumamit ng mga halimbawa at paglalarawan upang pagtibayin ang simulain.
b. Gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba.
c. Gumamit ng magkakatulad na kalagayan.
d. Banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na kalagayan.
4. Tapusin ang naaangkop.
5. Tandaang ang pinakapansing bahagi ay ang panimula at ang panapos.
6. Gawing maikli lamang.
7. Huwag mangaral, ilahad lamang ang katwiran at hayaang ang mambabasa ang gumawa ng sariling pagpapasiya.
8. Iwasan ang unang panauhanm isahang panghalip.
9. Sulatin nang payak lamang.
Category: Editoryal


pano po ba matuto gumawa ng editoryal
tenx po !
^_^
maganda ang mga salita sa editoryal….
tenks po,,sa answer LIKe iT,,.!!KEEP IT Up
i want writing an editorial
pa-add akooh sa fb. tenkxz
bent-ayoko nga.wahahaha
tnx po i hope maraming ma2lungan ang page na 2….
pd po pahelp gumawa ng editoryal ? tnx po
pd po pahelp gumawa ng editoryal , tnx po
hm .. sana po mainspire ako para makagawa ng mgandang simula at wakas .. more power .. wag lang kili kili power hehe .. god bless
tnx [po. atleast mron n ako ideya kung paano gumawa nd editoryal
..hay! sa wakas, i have an idea how to make editorial. tnx. makaktulong ito ng malaki para manalo sa journalism.
tnx ! i have learned more about idetorial through this !
I will be a contestant in editorial writing very soon. tnx for this page.
.,.tnx for the help,,kelangan qoh magreview dito for the upcoming DSPC..haha.:)
.,.sana poh dagdagan niyu pah info.dito at bigay kau ng mga samples para mas maging informative..