Ang Alamat ng Bigas

| February 27, 2009 | 8 Comments

bigas

 

Noong unang panahon ang mga tao ay walang palay.  Ang kanilang kinakain ay gulay, bungang-kahoy, isda, at mga hayop.  Sila ay nangangaso sa gubat at nangunguha ng bungang-kahoy sa parang. Maligaya na sila roon.

Nawala na ang mga hayop sa gubat at iilan na lamang ang mga bungang-kahoy.  Nalungkot ang mga tao.

Ang mga lalaki ay nangaso sa bundok.  Sila’y pagod na pagod at gutom na gutom.  Sila’y nagpapahinga ng dumating ang magagandang dalaga.  Ang mga ito ay engkantada pala.  Sila ay makapangyarihan subalit magagalang.

Ang mga mangangaso ay kinumbida ng mga engkantada at sila’y nagpunta sa yungib.  Napakarami pala ang engkantada rito at may reyna sila.  Nagsaya sila noon, nag-awitan, at nagsayaw.

Nagkaroon din ng kainan.  Nakita ng mga mangangaso ang malalaking tagayan.  Ito ay punong-puno ng mga pagkain na puting-puti.  Noon lamang sila nakakita ng puting pagkain.

Matapos ang kainan, ang mga lalaki ay naging bata.  Pinainom sila ng puting alak at sila’y at nagging matalino.

Gusto ng umuwi ng mga mangangaso.  Ang reyna ay nagsalita, " Kayo’y bibigyan ko ng butil.  Itanim ninyo ito sa tag-ulan.  Alam kong kayo ay mabubuti kaya iyan ay sisibol.  Iyan ay mamumunga. Aanihin ninyo ang bunga."

"Ang mga butil na inani ay bayuhin at linisin.  Ang butil ay magiging bigas.  Lutuin ninyo ito at iyan ang inyong pagkain.  Iyan ang kaloob ko sa mga tao.  Hala, umuwi na kayo."

Sumunod sa bilin ang mga tao.  Ang bigas na niluto ang kauna-unahang kanin sa daigdig.

Tags: , ,

Category: Mga Alamat

About the Author (Author Profile)

Comments (8)

Trackback URL | Comments RSS Feed

  1. nicole says:

    saang rehiyon nanggaling ang alamat ng bigas?

  2. jiya ba day! says:

    astig parteh! parteh! dapat hindi na sila umuwi eh!! JOwkzz ^.^ NIce alamat!

  3. ericka says:

    ahm…… its a beautiful story

  4. ericko says:

    alamat ba ito??? bakit hindi to kumpleto ang boboh ng gumawa nito

  5. ericko says:

    hayyyts pang wlang kwenta ang gumawa nito mga hindi marunong

  6. napakayabang muh ericko nakikikopya ka na nga lang ng alamat nya nangaasar ka pa kaw ata boboh eh!!!!!!!!!!

  7. tnx d2 xah site nah e2 coz’ na2lungan tlagaa mie 4 my h.w. hope that many people will like this …. tnx again !

Leave a Reply