Ang Alamat ng Bundok Kanlaon
The Legend of Mt. Canlaon
Sa bahaging Bisaya ay may isang bundok na humahati sa Silangan at Kanluran. Ito ang bundok ng Kanlaon.
Noong unang panahon, may isang malaking ahas na malupit na namiminsala sa mga tao. Ang ahas na may pitong ulo. Ang kulay ng mata ay luntian at ang ihinihinga ay kakatwa, na kung araw ay usok at kung gabi ay apoy. Walang patawad na parang walang makatatalo sa ulupong na ito na nakatira sa bundok. Marami na syang napatay dahil sa pagbubuga ng apoy kapag nagagalit.
Kumunsulta si Haring Matog sa mga pantas. May manggagamot na nagmungkahing mag-alay sila sa ulupong ng isang magandang dalaga upang matigil ito sa pamiminsala.
Ipinaabot naman ng kura paroko sa mga mamamayan ang balita. Sa takot ng mga kababaihan na baka sila ang ialay ay pinintahan nila ang kanilang mga muka upang pumangit.
Makalipas ang isang buwan, bigong bumalik ang pari. "Wala na pong natitirang magandang dalaga. Nasunog po ang kanilang mukha nang abutin sila nang ibinugang apoy ng ulupong."
Nalungkot ang hari sapagkat maging si Datu Sagay ay nagpatunay sa mga ibinalita ng pari.
Tanging si Prinsesa Talisay na lamang ang natitirang magandang dalaga rito.
Samantala, isang banyaga ang nagkataong nakabalita sa pananalanta ng ulupong. Inalok ng binata ang hari ng kanyang tulong na sy ang pupuksa sa ulupong. Ang pangalan niya ay Khan -Laon. Siya’y makisig at mahiwaga.
"Matapang ka, binata. Kung mapapatay mo ang salot na ulupong ay ibibigay ko sa iyo ang kalahati ng aking yaman at ipapakasal ko rin sa’yo ang kaisa-isa kong anak na si Prinsesa Talisay” may paghangang wika ng hari.
Naglakbay si Laon papuntang bundok. Sa paglalakbay niya patungong bundok ay nakasalubong niya ang isang langgam. Dahil may kapangyarihan siya sa mga hayop tinawag niya ang mga langgam at nag-utos.
"Hoy, Langgam! Ako si Laon. Pakisabi mo kay Haring Langgam may utos ang panginoon ninyong si Laon. Lahat ng sundalong langgam ay papuntahin sa bundok. Papatayin natin ang namiminsalang salot na ulupong. Ito ay pata na rin sa ating kapayapaan. Magsigapang kayo sa buong katawan niya at inyong kagatin."
Gayundin ang sinabi ni Laon kay Haring Bubuyog "Pupugin ninyo ang kanyang mga mata hanggang sa mabulag."at kay Haring Lawin na handang tumulong "Inyong kamutin at tukain ang kanyang ulo at katawan hanggang sa mamatay." Lahat sila ay nagtungo sa bundok.
Doon naganap ang umaatikabong bakbakan. Halos matabunan na ang ulupong sa dami ng umatakeng mga langgam. Pinagkakagat nila ang ulupong. Tinusok naman ng mga bubuyog ang mga mata ng salot. Hindi nila pansin ang ibinubugang apoy ng ulupong. Patuloy sila sa laban nila.
Samantala, sa kaharian ay hindi mapalagay ang mga tao. Umiiyak si Prinsesa Talisay. Humingi siya ng tulong sa kanyang amain na si Datu Sagay. Nagpasya si Datu Sagay na sundan si Khan-Laon upang pigilan ito sa iba pang binabalak. Ipinagsisigawan naman ng mga tao na si Prinsesa Talisay ang iaalay sa ulupong kapag nabigo si Khan-Laon sa labanan.
Nakarating sa bundok si Datu Sagay at ang kanayang mga kawal. Kitang-kita nila na dinudukot ng lawin ang mga mata ng halimaw at pinagtatagpas ni Khan-Laon ang mga ulo ng ulupong.
Tuwang-tuwa nang bumalik sa kaharian sina Khan-Laon at ang kanyang mga kaibigan. Tuwang-tuwa rin si Datu Sagay na ibinalita ang kagitingan ni Khan-Laon.
"Ang lahat pong ito ay hindi ko kayang gawin kung wala ang aking mga kaibigan, Mahal na Hari. Kaya ang hiling ko lamang ay huwag silang patayin sapagkat tulad din natin sila na nilikha ng Diyos," pakiusap ni Khan-Laon.
Agad namang ibinigay ng hari ang kanyang ipinangako. Ipinikasal din niya ang anak na prinsesa kay Laon. Mula noon ay masayang nagsama ang mag-asawa. Tinawag nilang Kanlaon ang bundok bilang pagkilala sa kabayanihan ni Laon.
Category: Mga Alamat


hey…i think its not the real legent of mt canlaon..
naku! mali po eto!!!
i think so,,…
i think so,,, kase ang alam ko namatay si kang at laon sa kagagawan ni datu dunagadong na manliligaw ni kang at nang matira sila ng sibat agad niyakap ni laon si kang hanggang sa sila’y nalagutan ng hininga at sa pook kung saan sila namatay may tumubo na burol at untiunti itong lumaki hanggang sa maging bundok at itoy itinawag sa pangalang kanglaon at di tumagal na naging “KANLAON”
mali po talaga kasi ang pagkakatanda ko ng masibat si laon ay nasibat din nya si kang at nagyakapan sila bilang tanda ng kanilang pagmamahalan kinabukasan bumalik doon ang nagsisising datu may nakita syang umbok ng lupa kung saan namatay si kang at may munting ulap na akala mo ay humahalik sa munting umbok bilang tanda na dumadalaw pa rin yung datung nanlilgaw kay kang ..