Ang Alamat ng Butiki

| February 17, 2009 | 48 Comments

The Lizard

 

butiki

 

 

Noong unang panahon, sa isang liblib na lugar ay may mag-ina na naninirahan sa tabi ng kakahuyan.

Ang ina; si Aling Rosing ay isang relihiyosang babae.  Palagi siyang nagdarasal, at sinanay din niya ang kanyang anak na lalaki na magdasal at mag-orasyon bago sumapit ang dilim.

Ang anak; si Pedro ay isang mabuti at masunuring anak.  Palagi niyang sinusunod ang utos ng kanyang ina tungkol sa pagdarasal.  Bago dumilim, kahit saan sya naroon ay umuuwi siya upang samahan ang ina sa pag-oorasyon sa tapat ng kanilang bahay.

Maagang namatay ang asawa ni Aling Rosing, natutuwa naman siya at naging mabait ang kanyang anak,ito ang katuwang niya sa pagtatanim at paghahanap ng mga makakain.

Sa paglipas ng panahon, mabilis na tumanda si Aling Rosing, at si Pedro naman ay naging isang makisig na binata.

Si Aling Rosing ay nanatili na lamang sa bahay at palaging nagpapahinga, samantalang si Pedro ay siyang naghahanap ng kanilang makakain sa araw-araw.  At kahit mahina na si Aling Rosing ay hindi pa rin nila nakakalimutan ng anak ang magdasal.

Minsan, habang nangunguha ng bungangkahoy sa gubat si Pedro, isang babae ang kanyang nakilala, ito ay si Elena.

Si Elena ay talagang kaaki-akit, kaya’t agad na umibig sa kanya si Pedro.  At dahil sa panunuyo ni Pedro kay Elena, gabi na ito nang makauwi.

"O anak, ginabi ka yata ng uwi ngayon.  Hindi mo na tuloy ako nasamahang mag-orasyon," ang wika ni Aling Rosing sa anak.

"Pasensiya na po, Inay! Nahirapan ho kasi akong maghanap ng mga prutas sa gubat," ang pagsisinungaling ni Pedro.

Dumalas ang pagtatagpo ni Pedro at Elena sa gubat.  Nahulog ng husto ang damdamin ni Pedro sa dalaga.  Hangang minsan, nabigla siya sa sinabi ng dalaga.

"Hanggang ngayon ay hindi ko pa nararamdaman na tunay ang pag-ibig mo sa akin, kaya nagpasya ako na ito na ang huli nating pagkikita."

"Ngunit, bakit? Sabihin mo, paano ko mapapatunayan sa iyo na tunay ang aking pag-ibig.  Sabihin mo at kahit ano ay gagawin ko," ang pagsusumamo ni Pedro.

"Maniniwala lamang ako sa pag-ibig mo, kung dadalhin mo sa akin ang puso ng iyong ina na nasa iyong mga palad!" ang matigas na wika ng dalaga.

Hindi makapaniwala si Pedro sa narinig.  Malungkot itong umuwi dahil binigyan siya ng taning ni Elena.  Kailangan niyang madala ang puso ng kanyang ina bago maghatinggabi.

Nang dumating si Pedro sa kanilang bahay ay agad siyang niyaya ng ina na mag-orasyon.  Nagtungo ang mag-ina sa harap ng kanilang bahay.  Ngunit habang nagdarasal iba ang nasa isip ni Pedro . Naiisip niya ang pag-iibigan nila ni Elena.  At bigla, hinugot ni Juan ang kanyang itak at inundayan si Aling Rosing sa likod.  Bumagsak sa lupa ang ina, at kahit nanghihina na ay nagsalita ito.

"Anak, bakit? Ngunit anupaman ang iyong dahilan ay napatawad na kita.  Ngunit humingi ka ng tawad sa Diyos!  Napakalaking kasalanan ang nagawa mo sa iyong sariling ina," ang umiiyak na wika ni Aling Rosing.

"Diyos ko po, Inay! Patawarin n’yo ako!" ang nagsisising nawika ni Pedro na nagbalik sa katinuan ang isip.  Umiyak nang husto si Pedro lalo na nang pumanaw ang kanyang ina.

Kasabay niyon ay bigla na lamang pagbabago sa anyo ni Pedro.  Siya ay naging isang maliit na hayop na may buntot.  Si Pedro ay naging isang butiki; ang kauna-unahang butiki sa daigdig.

Mula sa malayo, natanaw ni Pedro si Elena na papalapit.  Nasindak si Pedro nang makita niyang si Elena ay naging isang napakapangit-pangit na engkanto.  Humalakhak itong lumapit.

Sa takot, dagling gumapang si Pedro papanhik ng bahay hanggang makarating sa kisame.

Nakita rin ni Pedro ang engkanto, sa labis na katuwaan ay naging iba’t ibang uri ng kulisap at insekto, at naglaro sa paligid.

Agad na pinagkakain ng butiking si Pedro ang mga kulisap na napagawi sa kanya.  At dahil doon ay hindi na nakabalik sa dating anyo ang engkanto, at nagtago na lamang ito sa mga halamanan bilang kulisap.

Nagsisi ng husto si Pedro ngunit huli na.  At bilang pag-alala sa kanyang ina, sinasabing si Pedro at ang sumunod pa niyang lahi ay patuloy na bumababa sa lupa bago dumilim upang mag-orasyon.

At haggang sa ngayon nga ay patuloy pa ring pinupuksa ng mga butiki ang mga kulisap na sa paniniwala nila ay mga engkanto.

Tags: , , , ,

Category: Mga Alamat

About the Author (Author Profile)

Comments (48)

Trackback URL | Comments RSS Feed

  1. Chello says:

    Ouch..kawawa naman ung nanay! :(

  2. Skhullz says:

    sana may gintong aral at mga ndi dapat tularan n ugali ung alamat.. :(

    please poh.. lagayn??.. important lng tlga..

  3. jericha says:

    hay ang hirap basahin…ang haba….hahaha:)

  4. wendy ann banes says:

    ano kaya ang balak ng engkanto dun sa puso ng nanay ni pedro???

  5. kyla says:

    oh!? dhil lng s isang babae ay mggwa nyang ptayin ang knyang ina! my god!..naniwla xa s engkantong babaitang iyon..

  6. Aren says:

    KAda, alamat ay may matututunang mensahe o aral ang ganda grabe

  7. ===( says:

    sad na man

  8. gabzkyie says:

    ahh nalaman ko narin kung saan nagmula ang
    BUTIKI…..

  9. michael says:

    ang hirap at sa wakas natapos na rin

  10. sobra malungkot dahil pinatay ninya ang sariling ninya ina dahil lang saan bilin ng isang engakanto dalaga kanya bilang parusahan sa kanya ginawa naging butiki sinya

  11. ngaun kulang nlaman yang kwen2 ng butiti mag search me 2 know everyting

  12. ALexanne says:

    ai oo nga noh!!!ganun ba un

  13. sarah says:

    HABA…..NMAN!

  14. uy eto yung sinabi samin ng teacher naminn kanina june 14,2011 (tuesday) bkit kaya ganun yung mga nalalaman ko natutuklasan ko uli nakakapag taka

  15. anna dennis says:

    ahhh,haba nmn ng alamat…how can i finish this…

  16. mairyann says:

    napatay nya ang nanay nya dahil lang sa isang babaeng engkanto? ooohhh!!!!! may goodness ^_^

  17. veronica says:

    maykasabihan nga nasa huli ang pag sisi!!!

  18. fioglo (silent G) says:

    ang haba ktmad kopyahin … =_=”

  19. francis says:

    wendy ann banes cguro gagawing adobo ng engkanto ung puso ng nanay ni pedro,,kya gusto nyang ipakuha kay pedro malamang nagsawa na sila sa mga prutas

  20. francis says:

    ahh,sarah bka may butiki sa inyo,,,pwede mkong kontakin ito number ko,09238120514 alam mo kc mahilig lng akong manghuli ng butiki,,,basta sa bahay lng ng ksing ganda mo,,,wag kang magdalawang isip na kht itxt ako asahan mo na mas mabilis pa ako sa kwitis papunta sa inyo,,,,

  21. patrick says:

    kaya gustong kunin ni elena yung puso ng nanay ni pedro kc engkanto sya kakainin nya yung puso ng nanay ni pedro

  22. Jet Ogbac says:

    HALA!!! la akong naintindihan hahaha

  23. francis says:

    kawawa naman ung nanay
    kac naman eh!!!

  24. wawa ang nanay ni Pedro……

    :( :(

  25. mary laica says:

    ahh!!! wawa yung mama nya ….biruin moh! sariling ina pinatay!!!!!!hahahahahahhaha……

  26. macktyron says:

    laica may butiki ba? sainyo kaya nga wawan nman taLAGA YUNg mama nya sad sya ever!!!!!!psst!hahahahhaha

  27. lhaica says:

    ahhh!!!!wawa yung mama ni pedro

  28. rishel says:

    ang gulo namn akala ko ba..pedro ang pangalan. eh bakit naging juan.. ang pangalan nya doon sa pag hugot ng itak…lol

  29. nicephore says:

    haha pag sure dinha diba nag tead ka sa story na ang alamat ng butiki

  30. jeromecarl says:

    sayang!!!!

    mahal na mahal niya ang kanyang ina pero bakit ganun!
    HHHHHHHAAAAAA

    sana may aral din!

  31. jasper says:

    kawawa naman yung nanay ni pedro kasi sinaksak niya sa likod sana mamatay nayong engkantada

  32. Paul says:

    ang habaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!

  33. jena says:

    ang tsoge naman!! ang haba na nga ng alamat, wla pang aral na dinagdag!!! :(

  34. clarenze says:

    ang panget panget nman eh hn ko gets…corny:P

  35. ang crny
    parang hindi totoo

  36. Alixia Marie J. mercado says:

    Hay salamat natapos din pero ganda ng story

  37. bondat says:

    grabe ang sama nung babae

  38. Jalet Aguilar says:

    Try reading it out loud… May GED!!! Ka kapagod!

  39. blueknigth says:

    napakahaba nanm nito pwedebang pakibuod
    ⌂▌ tæ

  40. PAOLA says:

    ang ganda pero kakakilabot dahil sa itak

  41. …wuiii!!! ang ganda ng alamat…i lyk 8 talaga .t.y sa writer sa alamat na yan..uiee,,hindi naman mahaba ,tamad lang kc kau magbasa ..anu?

Leave a Reply