Ang Alamat ng Makahiya

| March 23, 2009 | 60 Comments

makahiya

 

Noong unang panahon ay may mayamang mag-asawa, sina Mang Dondong at Aling Iska.  Mayroon silang labindalawang taong gulang na anak na babae na nagngangalang Maria.  Mahal na mahal nila ang kanilang anak.

Si Maria ay responsible at masuring anak.  Siya ay masipag at mabait, dahil dito ay gusto siya ng lahat.
Ngunit ang pagkamahiyain ay isa sa natatanging katangian ni Maria.  Dahil sa mahiyain ay ilang sya sa pakikipag-usap sa mga tao.  Para maiwasan niya ang makita o makisalamuhan sa mga tao, ay palagi niyang kinukulong ang sarili niya sa kanyang silid.
Mayroong hardin ng mga bulaklak si Maria.  Ang mga bulaklak ay magaganda at alam ito ng buong bayan.  Matiyaga at magiliw niyang inaalagaan ang kanyang mga halaman.  Sapagkat dito siya nakakakita ng kaligayahan.
Isang araw, ay kumalat ang balita na isang grupo ng mga bandido ang sumalakay sa kalapit bayan.  Pinapatay ng mga bandido ang mga tao at tinatangay ang salapi ng mga residente.
Kinabukan, ang mga bandido ay dumating kung saan naninirahan si Mang Dondong at Aling Iska at ang anak na si Maria.  Nakita ni Mang Dondong na parating ang mga bandido, nagdesisyon siya na itago si Maria sa hardin para sa kaliktasan nito.
Nagtago si Aling Iska sa kanilang bahay, nanginginig sa takot habang naririnig niyang pilit binubuksan ng mga bandido ang kanilang tarangkahan.  Siya ay nagsambit ng panalangin para sa paghahanda kung ano man ang maaaring mangyari.
“Aking Panginoon!” panalangin ni Aling Iska.  “Iligtas nyo po ang aking anak.”
Biglang nabuksan ang pinto.  Pumasok ang mga bandido sa bahay at pinalo sa ulo si Mang Dondong.  Nawalan ng malay si Mang Dondong at bumagsak sa lapag.  Sinubukan na tumakas ni Aling Iska pero pinalo rin siya sa ulo.
Ginalugad ng mga bandido ang buong bahay.  Matapos kuning lahat ang salapi at alahas, hinanap nila si Maria.  Pero di nila nakita ito.  Umalis na ang mga bandido para nakawan ang ibang pang bayan.
Nang matauhan na ang mag-asawa ay nakaalis na ang mga bandido.  Nagmadali silang pumunta sa hardin para hanapin si Maria.  Pero wala doon si Maria.  Muli, ay hinanap nila ang kanilang anak sa lahat ng sulok ng hardin pero wala doon ang kawawang si Maria.
“Ang anak ko! Tinangay nila ang anak ko!” iyak ni Aling Iska
Biglang-bigla ay naramdaman ni Mang Dondong na may tumusok sa kanyang mga paa.  Nagulat siya dahil may nakita siyang isang maliit na halaman na mabilis na tumitiklop ang mga dahon nito.  Ito ang unang beses na makakita ng ganitong uri ng halaman.  Siya ay lumuhod at tinitigang mabuti ang halaman, ganon din ang ginawa ni Aling Iska.  Pagkatapos ng matagal na panahon na tinitigan ang halaman, ang mag-asawa ay naniwalang ang halaman iyong ay si Maria.  Ginawang halaman ng Panginoon si Maria para mailigtas sa mga bandido.
Hindi mapigilan di mapaiyak si Aling Iska at Mang Dondong, ang bawat luha na pumapatak sa halaman ay nagiging isang maliit, bilog na kulay rosas na bulaklak.
Magmula noon ay inalagaan nila ng mabuti ang halaman.  Naniniwala sila at alam nila na ang halaman ay ang anak nilang si Maria.  Katulad ng kanilang anak, ang halaman ay mahiyain din.  Dahil dito ay tinawag nila itong “makahiya”, dahil nagtataglay ito ng katangian ni Maria – pagkamahiyain – at tinawag na nga itong “makahiya”.

Tags: , ,

Category: Mga Alamat

About the Author (Author Profile)

Leave a Reply