Ang Alamat ng Pinya

| January 24, 2009 | 38 Comments

 

pinya 

Sa isang malayong nayon nakatira ang mag-inang si Aling Osang at si Pina na kaisa-isang anak.  Palibhasa bugtong na anak, hindi ito pinagagawa ng ina at sa halip siya ang nagtatrabaho ng lahat ng gawaing bahay.  Ang katuwiran ng ina ay "maliit pa naman si Pina."  Marahil ay paglumaki na ay gagawa rin siya.  Ang tanging gawain lang ni Pina ay maglaro at matulog. 

Nais na sana ng ina na turuan ang anak na gumawa, ngunit naging ugali na ni Pina ang katamaran.  Kaya sa malimit na pangyayari, hindi na mautusan ng ina ang anak, palibhasa’y ina kaya matiisin.  Kung ayaw magtrabaho ng anak, siya na ang gumagawa.

Hanggang isang araw si Aling Osang ay nagkasakit at halos nakahiga na lamang.  "Naku! ang nanay ko!  Inay bakit ka nagkasakit?" ang tanong ni Pina.  "Ewan ko nga ba," ang wika ng ina, sabay utos na ipaglugaw sya nito. Sinunod naman nito ang utos ng ina at sa ilang saglit ay inihain na ito ni Pina, ito ay mapait sapagkat ito’y sunog.  Ganun pa man ay natuwa na rin ang ina dahil kahit papaano siya’y napagsilbihan ng anak.

Tumagal ang sakit ni Aling Osang ngunit nagrereklamo na si Pina na pagod na sya sa paglilingkod sa ina.

Isang umaga, si Pina’y nagluto ngunit hindi makita ang sandok. "Saan kaya naroroon ang sandok?" ang sambit nito.

"Hanapin mo, naririyan lamang yan," ang sagot ng ina.

"Kanina pa nga ako hanap ng hanap eh!  Talagang wala!" ang muling sabi ng anak.

"Bakit ba hindi ka na lang magkaroon ng maraming mata ng makita mo ang hinahanap mo!  Ito talagang anak ko, walang katiyaga-tiyaga," ang sabi ng ina.

"Marami naman kayong sinasabi" ang wika ng anak sabay panaog.  Marahil ay hahanapin niya ang sandok sa silong at baka nahulog.

Lumipas ang mga oras ngunit hindi na nakabalik si Pina sa itaas.  Nawala siya na parang bula na naglaho at walang nakakita sa kanya kahit kapitbahay. Ilang araw ang nakaraan sa tulong at awa ay gumaling na si Aling Osang.  Hinanap ng ina ang anak ngunit talagang hindi na nakita.

Isang araw, sa may bakuran ay mataman na nagwalis si Aling Osang.  Laking gulat niya ng makita nito ang tumubong halaman sa malapit sa kanilang tarangkahan.  Dinilig niya ito at inalagaan araw-araw.  Di nagtagal at nagkaroon ng bunga.  Napansin niya ito at tila maraming mata.  Tuloy naalala nito ang sinabi niya sa kanyang anak.  At bigla na lang nawala ang kanyang mahal na anak ng mga sandaling iyon.

Tags: , ,

Category: Mga Alamat

About the Author (Author Profile)

Comments (38)

Trackback URL | Comments RSS Feed

  1. czarina says:

    mga katanungan

  2. Aaron says:

    Ala lang ganda ng kwento eh

  3. baky naman ngsabi ang ina na marami syang mata idi 2loy natoloy

  4. gracee says:

    ang cute lang di talaga dapat magpaka-spoiled..

  5. thea says:

    si pina ang tamad kaya nagkaroon ng maraming mata

  6. thyra says:

    wala mang interes boring!!!!!!!!!!!!!!!!

  7. mhae says:

    ang gnda nmn ng almt ng pnya

  8. denyce says:

    bagay sa kanya ang pagiging pinya

  9. jacqueline r. surdilla says:

    sana maging mabait na si pina

  10. lovely says:

    sino ang may-akda nito?

  11. rain says:

    mayroon po b kayong larawan ng mga pangyayari sa alamat n yan??

    kailangan lng po ng kapatid q.. or komiks po ng alamat ng pinya

    pa help na man po..thanks!! :D

  12. rezh says:

    ANG GANDA NG KWENTO

  13. jude t.aclan says:

    ang ganda naman ng alamt nakaka touch kung ako kaya ang maging PINA Jjejejeje jokeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee langggggggggggggggggg unnnnnnnnnnnnnnnnn::::::::::::::::::

  14. john errol says:

    i like this website……..]

  15. nakakabitin naman,parang may kulang,hehe.baka naman hindi yon si pina,tingin ko nglayas yon,hehe,.wala lang poh,!

  16. PATRICIA ERIKA says:

    PAULIT ULIT NAMN YAN TAGAL KO NG NABASA YAN…. NAKAKASAWA…….

  17. wowie says:

    yan ang aking quiz sa filipino^_^

  18. rechelle says:

    ang ganda

  19. tweety says:

    gana naman

  20. alex says:

    ang ganda ng kwento ng alamat ng pinya kaya lang si pina ay tamad

  21. GANYAN ANG NAPAPALA NG MGA TAMAD>3

  22. kaikai says:

    ang ganda ng kwento :)

  23. jerileen alcuirez says:

    sana may natutunan tayo wag tayong magtamad alagaan natin ang ating mahal na ina at ama,,

  24. May Ville says:

    ahm magiging pinya pala kung tamad .. ???????
    ,kaya ngayon tutulung na ako nila mom at dad baka magiging pinya din ako kagaya ni pina ….!!!!!!! ,hahahahahahah …..joke !!!!!!!!!<3 …. :)

  25. marianne says:

    kawawa ng bata sana masunurin sya

  26. asdfghjkl says:

    :) ang ganda ko :)

  27. kanae says:

    projct ko po sa filipino ang mga alamat po

    kaya yanalang po

  28. kasalanan ba ng ina nya?

  29. kasalanan ba ng ina nya?

  30. grabe ang ganda…so cute ang story..copy q na lang para sa project namin..alamat ng mga prutas ang proyekto namin sa filipino.type q na lang kaya…

  31. jennifer refugio says:

    ganda ng story a touched

  32. Pineapple says:

    This happen to me too. I couldnt find my sandok in the states.

  33. bhabylab says:

    grabe ang ganda…so cute ang story..copy q na lang para sa project namin..alamat ng mga prutas ang proyekto namin sa filipino.type q na lang kaya…

  34. lhady Cupcake says:

    I Love it…. gustong gusto ko talaga this is my project welll acomplish hehhehehehe….

Leave a Reply