Ang mayabang na Pagong

| February 15, 2009 | 7 Comments

turtle

 

Isang araw, isang pagong (turtle) ang naghihingalo dahil sa labis na gutom at uhaw.  Dalawang ibon ang nakakita sa pagong na iyon.  Tinulungan siya ng mga ibon na kumuha ng isang kahoy.  Hinawakan nila ang kahoy sa magkabilang dulo gamit ang

kanilang tuka.  Nakasabit sa gitna ng kahoy ang pagong, gamit naman ang kanyang bibig.  Inilipad siya ng dalawang ibon na ito upang dalhin siya sa ligtas na lugar.

Nasa himpapawid sila ng marinig nila ang usapan ng mga taong nag-uusyoso.  “Tingnan ninyo!  Kamangha-mangha ang mga ibon!  Hila-hila nila ang isang pagong.”

Ibig magyabang ng pagong at nais niyang magpasikat sa mga tao.  “Kumusta na kayo?” sigaw niya.

Dahil sa pagsasalita niya at pagbuka ng kanyang bibig, ang pagong ay nahulog.

 

 

Aral : Pagisipang mabuti bago gumawa ng hakbang.

 

 

 

( Fable is a tale of verse, often using animals or inanimate objects as characters, that illustrates or teaches a moral. )

Tags: , , ,

Category: Mga Pabula

About the Author (Author Profile)

Comments (7)

Trackback URL | Comments RSS Feed

  1. ances says:

    grabe its so nice .. gawa ka pang madami..

  2. ghj says:

    ano ang kahalagahan ng salawikain/sawikain sa binasang pabula? sa iyo? bakit?

  3. rosabeth says:

    mag-aral ng mabuti

  4. barbs says:

    alam nyo ba kung sino ang may akda ng ang mayabang na pagong?

  5. annie says:

    wla whole story?

  6. Lord says:

    alam ku si nag tula niyan Crush SI SHANNEN KINANTA NIYA TALAGA SIY

  7. Lord says:

    alam ku si nag tula niyan Crush SI SHANNEN KINANTA NIYA TALAGA SIYA

Leave a Reply