Salawikain, pahina 3
Ang taksil na kaibigan
Ay higit na masama kaysa kaaway.
Habang maigsi ang kumot
Matutong mamaluktot.
Hirap man ang katawan
Huwag lang ang kalooban.
Ang dalagang salawahan
Ang sumpa ay biro lamang.
Sa hinaba-haba ng prusisyon
Sa simbahan din ang tuloy.
Kapag bukas ang kaban
Nagkakasala banal man.
Dahong ampalaya kahit anong pait
Daig ang arnibal pag umibig.
Taong manunuyo,
Dala-dala’y bukayo.
Anak na palayawin
Magulang ang patatangisin.
Ang aral na walang timyas
Walang lugod na malalasap.
Ang gawi sa pagkabata,
Dala hanggang sa pagtanda.
Ang tunay na kasiyahan
Wala sa kasaganaan.
Pagtatanim ay sa pagkabata
Pag-aani ay sa pagtanda.
Ang ahas ay lumalaki
Sa balita at sabi-sabi.
Ang kabayo’y tumatanda
Sa mata ng may alaga.
Ang kalabaw, suotan man ng abito,
Ay kalabaw rin at di magbabago.
Ang kasakiman
Ay kapatid ng kataksilan.
Ang di magsapalaran
Di makakarating sa karagatan.
Ang isip ay parang itak
Sa hasa ay tumatalas.
Kapag buhay ang inutang
Buhay rin ang kabayaran.
Nasa Diyos ang awa
Nasa tao ang gawa.
Category: Mga Salawikain


Recent Comments