Salawikain pahina 1
Ang Salawikain ay mga butil ng karunungan hango sa karanasan ng matatanda, nagbibigay ng mabubuting payo tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala tungkol sa batas ng mga kaugalian at karaniwang patalinghaga.
Mga halimbawa:
Aanhin pa ang damo
Kung patay na ang kabayo.
Walang matimtimang birhen
Sa matiyagang manalangin.
Huli man daw at magaling
Ay maihahabol din.
Ang taong nagigipit
Sa patalim man ay kakapit.
Bago mo pansinin ang uling ng iba
Ang sariling uling ay pahirin muna.
Ang batang matigas ang ulo
Ay mahirap mapanuto.
Madali pa ngang gisingin
Ang tulog na nahihimbing
Kaysa iyong pupukawain
Ang talaga naming gising.
‘Pag ang bata’y barumbado
Tumanda may tarantado.
Sa oras ng kagipitan,
Nakikilala ang tunay na makabayan.
Sa digma at di sa tikas,
Makikilala ang duwag.
Category: Mga Salawikain


ah xux pra xa matatanda lng yan