Sawikain, pahina 2

| February 8, 2009 | 0 Comments

kabiyak ng dibdib

asawa

kaututang dila

katsismisan, kakwentuhan

kidlat sa bilis

maliksi, napakabilis

kumukulo ang dugo

naiinis, nasusuklam

kusang palo

sariling sipag

di makabasag-pinggan

mahinhin

di mahulugang-karayom

maraming tao

dalawa ang bibig

mabunganga, madaldal

daga sa dibdib

takot

dalawa ang mukha

kabilanin, balik-harap

hampas-lupa

lagalag, busabos

halang ang bituka

salbahe, desperado, hindi nangingiming pumatay ng tao

haligi ng tahanan

ama

ilaw ng tahanan

ina

itaga sa bato

tandaan

isulat sa tubig

kalimutan


mahapdi ang bituka

nagugutom

 makapal ang bulsa

maraming pera

 matigas ang buto

malakas

mabigat ang kamay

tamad magtrabaho

magaan ang kamay

madaling manuntok, manapok, manakit

 mabilis ang kamay

mandurukot, kumukuha ng di kanya

 mahabang dulang

kasalan

 mahaba ang buntot

laging nasusunod ang gusto, kulang sa palo, salbahe

magdilang anghel

magkatotoo sana

  makati ang dila

madaldal, mapunahin

 matalas ang dila

masakit mangusap

 maanghang ang dila

bastos magsalita

 matamis ang dila

mahusay mangusap, bolero

 magaan ang dugo

madaling makapalagayan ng loob

 maitim ang dugo

salbahe, tampalasan

 makitid ang isip

mahinang umunawa, walang masyadong nalalaman

 malawak ang isip

madaling umunawa, maraming nalalaman

malakas ang loob

Matapang

Tags: , ,

Category: Mga Sawikain o Idioma

About the Author (Author Profile)

Leave a Reply