Sawikain, pahina 3
By Lhenn on Feb 07, 2009 with Comments 0
|
mahina ang loob |
duwag |
|
mababa ang loob |
maawain |
|
masama ang loob |
nagdaramdam |
|
mabigat ang loob |
di-makagiliwan |
|
makalaglag-matsing |
nakaka-akit |
|
makuskos-balungos |
mareklamo, mahirap amuin, mahirap pasayahin |
|
malapad ang papel |
maraming kakilala na makapagbibigay ng tulong |
|
matalas ang mata |
madaling makakita |
|
matigas ang leeg |
mapag-mataas, di namamansin |
|
matigas ang katawan |
tamad |
|
makapal ang palad |
masipag |
|
maitim ang budhi |
masamang tao, tuso |
|
makapal ang mukha |
di marunong mahiya |
|
maaliwalas ang mukha |
masayahin |
|
madilim ang mukha |
taong simangot, problemado |
|
|
mahilig sa gala o lakad |
|
matalas ang tainga |
madaling makarinig |
|
maputi ang tainga |
kuripot |
|
matalas ang isip |
matalino |
|
mahangin ang ulo |
mayabang |
|
matigas ang ulo |
ayaw makinig sa pangaral o utos |
|
nagbabanat ng buto |
nagtatrabaho ng higit sa kinakailangan |
|
nagbukas ng dibdib
|
nagtapat na nais pakasalan ang kasintahan |
|
namuti ang mata |
nainip sa kahihintay, matagal nang naghihintay |
|
nakahiga sa salapi |
mayaman. |
|
nagbibilang ng poste
|
walang trabaho |
|
namamangka sa dalawang ilog |
salawahan |
Related Posts
Related posts:
Filed Under: Mga Sawikain o Idioma