Tula: Bagong Dugo

 

Sa Mutyang Pilipinas, hindi man sinasadya

Kapagdaka’y naluwal ang isang bagong mukha;

Ngayon lamang sumilang ngunit hindi banyaga

At dating kakilala sa isang luntiang bansa.

 

Minsan na ngang naglaho, ginintuang pag-asa

Pagkat ang kabataang batis ng t’wat’t ligaya;

Ay sukdulang nalugmok sa kasamaa’t dusa

Ang baying maalindog malaong nangulila.

 

Subalit ang sa ngayon hindi ba namamasid

Sadyang ibang-iba na sa ‘ting dating paligid?

Ang minimithing buhay ngayon ay nakakamit,

Sa liko, kabutihan ang siyang nananaig.

 

Pagmasdan mo nga sila at kayliksing kumilos

Ang sigla ng katawan ay waring walang tapos;

Mga puno sa paligid sa takot na maubos

Sila ay nagtatanim kahit hindi iutos.

 

Ang polusyo’t karumihan ay binabaka nila,

Sa mga paligid-ligid ay wala nang basura;

Maruruming tubigan unti-unting wala na

Upang mapanatili kalusugan tuwina.

Related Posts

Related posts:

  1. Tula: Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
  2. Tula: Sa Aking Mga Kabata
  3. Tula: Ang Awit ni Maria Clara
  4. Mga Tula Tungkol sa Pamilya
  5. Tula: Mabuhay ka lamang

Filed Under: Mga TULA

Tags:

RSSComments (0)

Trackback URL

Leave a Reply




If you want a picture to show with your comment, go get a Gravatar.

  • Sponsored Links