Tula: Ina, kahanga-hanga ka
Ina, kahanga-hanga ka
Isang Kahanga-hanga
Itong aking Ina
S’ya ang nagtataguyod
Ng aming pamilya
Minsan sya’y nalulumbay
Sa pagkawala ni ama.
Pilit pa ring nagsisikap
Para sa kanyang mga anak
Ano kaya ang maganda
Na maaaring ihandog
Sa espesyal na araw
Kaarawan ni ina
Gusto ko syang mapasaya
Mapawi ang pagod nya
Tanda ng pasasalamat,
Pagmamahal ko sa kanya
Category: Mga TULA


Ganda rin ng “Ina,Kahanga-hanga Ka”