Tula: Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Pag-ibig sa tinubuang lupa ni Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya

Sa pagkadalisay at pagkadakila

Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa

Aling pag-ibig pa? wala na nga, wala.

Walang mahalagang hindi inihandog

Ng may pusong mahal sa bayang nagkupkop

Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod

Buhay ma’y abuting magkalagut-lagot.

Sa aba ng abang mawalay sa bayan!

Gunita ma’y lagging sakbibi ng lumbay;

Walang alaala’t inaasam-asam

Kundi ang makita’y lupang tinubuan.

Pati ng magdusa’t sampung kamatayan

Wari ay masarap kung dahil sa bayan,

At lalong maghirap, o himalang bagay

Lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig

Hanggang sa may dugo’t ubusing itigis,

Kung sa pagtatanggol buhay ay mapatid

Ito’y kapalaran at tunay na langit.

2 Responses to Tula: Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

  1. Aram Kazama says:

    sa tingin nyo ano kaya ang nais ipasabi ng may akda batay sa kanyang isinulat na tula:)

  2. christy says:

    ANO NGA KAYA???????????

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>