Tula: Sa Aking Mga Kabata
Sa Aking Mga Kabata ni Dr. Jose Rizal
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka’t ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati’y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.
Sa Kabataang Pilipino
Itaas ang iyong noong aliwalas
ngayon, Kabataan ng aking pangarap!
ang aking talino na tanging liwanag
ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!
Category: Mga TULA


mukhang tanga!
hahaha kabitin
hahaha kabitin…………..parng lng ha
na aalala kopa nong ako ay isinilang minamahal ako ng aking mga magulang kahit anong gusto binibigay ng aking tatay maging sa problema lagi korin clang karamay munit ngaun dumating ang panahon na ako ay lumaki naisip sa sarili na ako ay mag rebel de kaya eto ako sumasali sumasapi sa gang praternity at dahil sa gutom hahawak sa patalim at lake nag pag sisisi