Mga Tula Tungkol sa Pamilya

| September 23, 2009 | 440 Comments

Ang Aming Mag-anak

 

Ang aming mag-anak ay laging Masaya,

Maligaya kami nina ate at kuya.

Mahal kaming lahat ina ama’t ina,

Mayroon ba kayong ganitong pamilya?

 

Kahit sa paggawa’y pagod ang katawan,

Tulong ni ama ay lagging nakaabang

Suluranin ni ate ay nalulunasan,

Sa tulong ni inang lagging nakalaan.

 

 heart

Ang Munting Bata

 

Kahit ako’y batang munti,

Pangarap ko’y sari-sari,

Paggalang at wastong gawi,

Ginagawa ko palagi.

 

Sarili ay paunlarin,

Maling kilos ay baguhin

Pag-aaral, pagbutihin,

Tiyak, tagumpay ay kakamtin.

 

 heart

 

Ang Ama’t Ina Ko

 

Sa lahat ng tao

Dito sa mundo

Wala pang tutulad

Sa ama’t ina ko.

 

Sila ay naghirap

Sila ay nagsikap

Na ako’y lumaki

At sumayang ganap.

 

Kaya naman ngayon

Ang lagi kong layon

Sa aking magulang

Ako’y makatulong.

 

 

heart

 

 

Ang Pag-ibig ni Ina

 

Ang puso ni ina’y kaban ng paglingap,

May dalawang tibok na karapat-dapat,

Ang isa’y kay ama, kay amang mapalad

At ang isa nama’y sa amin nalagak.

 

Noong nabubuhay ang ina kong irog

Ang kanyang pagkasi’y samyo ng kampupot,

Ang lakas ng puso’y parang nag-uutos

Na ako, kaylan ma’y huwag matatakot…

 

Pagibig ni ina ang siyang yumari

Ng magandang bahay na kahilihili,

At nawag sa palad na katangitangi.

 

Timtimang umirog! Hanggang sa libinga’y

Dala ang pagkasing malinis, dalisay,

Dala ang damdaming kabanalbanalan.

 

 

 

heart

 

 

Tula kay Ama

 

Nagising nga akong tila nangangarap na isang anino

sa maputing tabing ng aming kahapong nilikha ng tao;

sa pagkakawalay sa isang magulang ay waring natuto

nahawi ang ulap na nagbigay silim sa kanyang talino.

 

Siya’y naparuol walang abug-abog sa rugtong ng tali,

ang kinahinatnan ay signos ng ulap ng panunubali;

kanyang kaluluwang nakitalamitam sa dilim na tangi

ay nakipanaghoy sa luha ng anghel habang nagmumuni.

 

Kay lungkot isipin ang gayong kasaklap na pagkakalayo

na kung gunitain pati hininga ko ay halos mapugto;

at pati ang langit ng bagong umaga’y waring nagdurugo

at ang dapithapon kung pagmamasdan ko ay naghihingalo.

 

Haplos ng pag-ibig ang naiwan niya sa supling ng puso,

kanyang inulila’y may bakat ng luhang sa pisngi dumapo;

kay Ina ang buhay ay ibayong saklap sa pagkasiphayo

at may nakalaang tiising pasanin sa kanya’y titimo.

 

Ngayon kung babalik sa pinag-iwanang lubid na putol,

dadamhi’y pangako sa luksang pangarap na tinatalunton;

tataas ang mukha’t lalong kikisig pa sa taglay na suot

at damdaming ama’y hahanga ngang lubos sa sariling hinlog!

Tags: , , , ,

Category: Mga TULAng Pambata

About the Author (Author Profile)

Comments (440)

Trackback URL | Comments RSS Feed

  1. richalaine says:

    Hello. Nais ko sananghumingi ng permiso upang kumuha ng isa sa mga tula. Tae kasi. Nakalimutan kong gumawa. Salamat.

  2. ang ganda ng mensahe ng tula….. nakakautwa…..sobra-sobra ung aprisiate ko sat tulang ya….grabe ……

  3. jet says:

    MAGANDA HA

  4. venus says:

    ang ganda promise ty sa gumawa

  5. Ecinue Orazal says:

    Ang Gabda Sobra ng mga Tula D2 Nakakatuwa Basahain !!! I love it <3

  6. Susan says:

    napakaganda ng inyong ginawang tula
    sanay marami pa kayong magawang marami pang tula..
    kasi po napakaganda.. nakakainspire po…thank you!

  7. jenelyn says:

    ang ganda talaga i luv it

  8. sweet.james says:

    hahay ang ganda

  9. thank you dito dahil dito nagawa ko ang takdang aralin ko not lang that pati ang project ko………..//////////,,,,,,,,,,,,,…….////////,,,,,,,,,

  10. Ludy says:

    Ate/Kuya pwede po bang kumuha ng isa sa mga tula mo ipepresent namin siya as a group yung tula sa bata bibigay namin yung credit sayo salamat :)

  11. anna says:

    ,.,.,the poems are pretty awesome.,.,.,.,

    ,.,.keep it up.,.,.,
    ,.,,GODbless you,.,

  12. angel says:

    ang ganda naman po ng mga tula nyo makakatulong po ito sa aking assignment

  13. angel says:

    wahahahahhhahahahhahhha

  14. cesiah says:

    thank you po sa mga tula

  15. dara says:

    pwede ko po ba i translate sa english ito kaylangan lang po. kung di po ok sa inyo ok lang po thank u po

  16. christopher says:

    nakakuha rin ako dito sa mga tula ng assigment ko thank you sa gumawa!!!!!!!!!

  17. JOHN PAUL says:

    SALAMAT PO SA TULA

  18. danielle says:

    …..nice…………….ganda naman………….

  19. marco says:

    nieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee

  20. jhonrel englisa says:

    napakaganda and maraming salamat

  21. erwin says:

    ganda ng mga tula hahah

  22. nica says:

    napaka ganda ng mga tula niyo

  23. altrisha mae asuncion says:

    napakaganda po sana ay meron pa kayong magawa tungkol sa pagmamahal ng magulang sa kanilang mga anak

  24. desiree santiago says:

    super ganda nakatulong ka sa akin

  25. desiree santiago says:

    super ganda nakatulong ka sa akin

  26. thanks po . naka tulong po to sa project ko :D

  27. michael jon jaducana says:

    thank’s po maraming salamat po sa in yong pagsulat ng tula naka tulong po ito sa aking pag-aaral :D

  28. jessie says:

    tama! dapat mahalin natin ang ating mga magulang dahil nagtaguyod cla para sa atin.

  29. renamae says:

    salamt po nagawa ko na yung ass. namin sa EsP

  30. renamae says:

    thanks for your help and I have done my project on EsP

  31. renamae says:

    i wish that some day marami pa po kayong magawang mga tula

  32. allysa labastida says:

    sobra ganda tlaga ng mga tula ri2 . this is the best!!!

  33. jessica says:

    ang ganda ng tula tungkol sa pamilya………

  34. Julius says:

    Ganda!

  35. judierespecia says:

    ok

Leave a Reply