Pandiwa: Ang Pandiwa At Uri Nito

| November 12, 2009 | 83 Comments

Ang pandiwa ay ang salitang nagpapahiwatig ng kilos, gawa o kalagayan.

 

Mga Uri ng Pandiwa ayon sa Kaukulan

1.      PAYAK

Ito ay ipinalalagay na ang simuno.

Halimbawa:

Lubos na mahirapan ang mga walang tiyaga mag-aral.

2.      PALIPAT

Ito ay may simuno at tuwirang layon.

Halimbawa:

Naglinis ng hardin si Nena.

3.      KATAWANIN

Ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap.

Halimbawa:

Ang matiyaga ay nagwawagi.

 

Aspekto ng Pandiwa

1.      Pangnagdaan. 

Nagsasaad ito ng kilos o gawaing natapos na.

Halimbawa:

Nabatid mo ba ang tungkulin at pananagutan mo sa ating bansa?

2.      Pangkasalukuyan. 

Nagsasaad ito ng kilos o gawaing nasimulan na ngunit ipinagpapatuloy pa rin.

Halimbawa:

Kailangang gisingin an gating kamalayan sa nagaganap  sa ating paligid.

3.      Panghinaharap. 

Nagsasaad ito ng kilos o gawaing isasagawa o magaganap pa lamang.

Halimbawa:

Madarama mo ang wagas na pakikipag-isa sa layunin ng makabuluhang pamumuhay kung maging tapat ka sa iyong sarili.

 

 

Pokus ng Pandiwa

Pokus ang tumutukoy sa kaugnayang pambalarila na matatagpuan sa pandiwa at sa isang kaganapang pandiwang karaniwan nang pinangungunahan ng panandang pampokus na ang.

1.      Pokus sa actor o tagaganap. 

Ang gumaganap ng kilos ang simuno.

Halimbawa:

Humihitit ka na naman.

2.      Pokus sa layon o goal. 

Tuwirang layon ang simuno ng pangungusap.

Halimbawa:

Tinatakpan nito ang lahat ng daanang hangin n gating katawan.

3.      Pokus sa benepaktibo o pinaglalaanan. 

Ang kaganapang pinaglalaanan ng kilos ang simuno.

Halimbawa:

Pinagmamalasakitan ng may-ari ang mga kabataang nalulong sa paninigarilyo.

4.      Pokus sa ganapan o lokatib na pokus. 

Ang ganapan o ang pinangyarihan ng kilos ang simuno ng pangungusap.

Halimbawa:

Ang tindahang binibilihan mo ng sigarilyo ay nagsara.

5.      Instrumental o pananangkapan na pokus. 

Ang instrumento ang simuno sa pangungusap.

Halimbawa:

Ipinang-alis niya ng bisyong paninigarilyo ang pagsipsip ng kendi o pagkain ng tsokolate.

6.      Kawsatibong pokus. 

Ang dahilan o sanhi ang simuno ng pangungusap.

Halimbawa:

Ikinamatay ng tatay mo ang kanser sa baga.

7.      Pokus resiprokal. 

Ang resiprokal ang simuno ng pangungusap.

Halimbawa:

Pinakiusapan siya ng nanay mo na makipagtulungan sa proyekto ng Kagawaran ng Kalusugan, ang “Yosi, kadiri.”

Kaganapan ng pandiwa

Kaganapan ng pandiwa.  Ito ay ang kaugnayan ng pariralang pangngalan sa pandiwa bilang tagaganap ng kilos, tagatanggap, ganapan, kalaanan, pangganap, kadahilanan, at resiprokal.

1.      Kaganapang tagaganap (actor complement). 

Ito ang gumaganap ng kilos o gawaing isinasaad ng pandiwa.  Dalawang uri ng tagaganap:

a.       Ang tagaganap ng tahasang kilos na pinangungunahan ng ang / ang mga  o si / sina  at siya ring simuno ng pangungusap.

*Inutusan si Raz ni Nanay na pumunta sa palengke.

b.      Tagaganap ng pandiwang balintiyak na kilos na pinangungunahan ng ni / nina o ng / ng mga.

*Pinagkarera ni Mang Andoy ang mga alimango

2.      Kaganapang tagatanggap (goal complement). 

Kung ang pangngalan ang tumatanggap ng kilos o gawaing isinasaad ng pandiwa at ito’y karaniwang pinangungunahan ng panandang ng, ito ang tuwirang layon (direct object).

Bumili ako ng dalawang malalaking alimango.

3.      Kaganapang ganapan (locative complement).

Ang tao o lunang pinangyayarihan ng gawaing isinasaad ng pandiwa.  Ito ay pinangungunahan ng sa o kay.

Dumalo ang mga tao sa palatuntunan.

4.      Kaganapang kalaanan (benefactive complement).  Di-tuwirang layon ang pangngalang nakikinabang sa gawaing isinasaad ng pandiwa at ito ay pinangungunahan ng pariralang para sa o para kay.

Wala na siyang nagawa kundi iluto ang mga ito para sa aming magkakapatid.

5.      Kaganapang pangganap (instrumental complement). 

Kasangkapan ang tawag sa kaganapang nagsasaad ng bagay na ginagamit sa gawain o kilos na isinasaad ng pandiwa.  Ginagamitan ito ng panandang sa pamamagitan ng / ni, gaya ng.

Kapag nakikita ng tao ang kanyang kapwa na nagtatagumpay at umaasenso, pipilitin niya itong ibaba sa pamamagitan ng paninirang puri.

6.      Kaganapang kadahilanan (causative complement).  Ang pangngalang nagsasaad ng sanhi o dahilan ng kilos na isinasaad ng pandiwa ay ang kadahilanan at ang pananda ay dahil sa.

Walang manalu-nalo sa kanila dahil magaling silang manghila pababa.

7.      Kaganapang resiprokal (reciprocal complement).  May ilang pandiwang nagsasaad ng tuwangan o gantihang kilos at ang mga ito ay may kaganapang tinatawag na katuwang.  Ito ay maaaring tao o hayop at pinangungunahan ng sa o  kay.

Nakipagkita at nakipag-usap si Nanay kay Mang Isko upang ikwento ang aking tagumpay.

 

Mga Uri ng Pandiwang Di-Karaniwan

1.      Maykaltas

Ito ay kapag may titik o pantig na kulang sa salita.

Kunin (kuhanin), damhin (damahin), bathin (bati-hin)

2.      Maylipat

Ito ay may titik na nag-iiba ng lunan sa loob ng salita.

Tupdin (tuparin), tamnan (taniman) , sidlan (siliran)

3.      Maypalit

Ito ay kapag mayroong isa o dalawang titik na napalitan ng iba.

Hagkan (halikan), datnan (datingan),

tawanan (tawahan)

4.      Metatesis

(pagkakaltas + paglipat)

Halimbawa:

mangtahi = mananahi

mambato = mamato

 

 

Mga Gamit ng Pangngalang Pandiwa

Ang pangngalang-pandiwa ay binubuo ng panlaping pag- at salitang ugat.

pag + sukat = pagsukat

pag + tulong = pagtulong

 

1.      Bilang Simuno ng Pangungusap

Halimbawa:

Ang paggalang sa matanda ay isang mabuting asal.

2.      Tuwirang Layon sa Pandiwa

Halimbawa:

Si Karl ay mahilig maglaro ng computer.

3.      Bilang Kaganapang Pansimuno

Halimbawa:

Ang susi sa tagumpay ay pagtitiis.

4.      Bilang Di-tuwirang Layon

Halimbawa:

Si Patrick ay magtatayo ng paaralan ukol sa pagtuturo ng Ingles.

Tags: , , , , , , ,

Category: PANDIWA

About the Author (Author Profile)

Comments (83)

Trackback URL | Comments RSS Feed

  1. sexy girl says:

    pwede ba magkaibigan sa inyo plzzzzzzzzz… :p :)

  2. danzkiebalbona says:

    kulang ang aspekto nila nohhh..p:)

  3. danzkiebalbona says:

    :) p

  4. danzkiebalbona says:

    :) p lng tayo mga friend ha,,heheheheheh

    jejejejejejejejeje<3

  5. coleen says:

    kulang yung uri ng mga pandiwang di pangkaraniwan. ‘di ko kasi nahanap yung pinpahanap sa akin ng teacher ko.

    heheheheheheheheheheheh :)

  6. jp says:

    pwede ba sentence yung nakasulat at wala ring pandiwa karaniwan

  7. fyifyufyuf says:

    dito pala kinuha ng teacher ko yung nasa bondpaper nakasulat

  8. ms.snavera says:

    di2 n nga lng ako kukuha ng aking mga takdang aralin
    puro tamah ang mga sagot..
    its okay..

  9. Frost says:

    nakakahanga talaga itong site na ito. ang linaw ng mga kahulugan.. :D

  10. Emily G. Yanson says:

    Paki tsek lang po sa mga halimbawa ng metatesis ang mga ito po ay mga halimbawa ng asimilasyong ganap.

    ang alam ko pong halimbawa ng metatesis ay niyakap, niyari , aptan tamnan at iba pa.

  11. john kirt villalon says:

    tnx po!!

  12. ahahaha oo nga bakit kaya

  13. rica ann says:

    ahaha ! nyc . may saqot nadn ako sa mqa assiqnment koo . xD nycccccccccc ! :) )

  14. kezia says:

    ukie fine !!

  15. abxkie says:

    <(")

  16. marytel says:

    walng hiya ang magulng nya kasi ang anak nya hinde nya hinawakan ng maayos……at wla nya pinapakain pinainom pa nya ng energy drink

  17. oh!!!!!!!!!!!!!!!!now i know vitwater.hahaha.

  18. tadsakoo says:

    TY!

  19. zhailla says:

    wala naman mahanap >:(

  20. zevhothena says:

    kumaon ka na oi?seda masakuri yokunasa malibayonumlikya sobi

  21. APRILYN says:

    MARAMI AKONG NATUTUNA TUNGKOL DITO

  22. APRILYN says:

    AT HIGIT SA LAHAT ALAM KO NA KONG ANO ANG PANDIWA

  23. adam says:

    ganda halos lahat kumpleto

  24. ralph says:

    wew nice halos lahat lahat andito na all in one

  25. ryan says:

    so I now now what is “pandiwa”

  26. carlo says:

    oo nga halos lahat an d2 na]

  27. lala says:

    wwowowowowowowowowoow

Leave a Reply