Ano ang Pang-uri, Mga Uri at Kailanan ng Pang-uri

| October 21, 2009 | 62 Comments

Ang Pang-uri ay ang bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pangngalan at panghalip. Ito ay tinatawag na Adjective sa wikang Ingles.

Ito ay maaaring pang-uring panlarawan o pamilang.


Uri ng Pang-uri

1.      Pang-uring panlarawan

Ang mga likas na pamng-uring nagpapakilala ng

katangian ng pangngalang binibigyang-turing.

Halimbawa:

matayog na pangarap

malapalasyong bahay

2.      Pang-uring pamilang

Ito ay nagpapakilala ng bilang, halaga o dami ng

binibigyang-turing na pangngalan o panghalip. 

Maaring tiyak o di-tiyak.

Halimbawa:

di-tiyak:      mga

                        marami

                        kaunti

       tiyak:         dalawa

            isa

            sampu, etc…

            tig-apat

Uri ng pang-uring pamilang

  1. Patakaran o Kardinal

Ito ay gamit sa bilang o dami

Halimbawa:

sandaan

sanlibo

·        Pamahagi

Ito ay pamilang na bahagi ng isang

buo o mahigit sa isang buo.

Halimbawa:

kalahati

bahagdan (1/100)

kaapat (¼)

·        Pahalaga

Ito ay nagsaad ng halaga ng mga bagay.

·        Palansak

Ito ay nagsasaad ng bukod na pagsasama-

sama ng mga tao o bagay.

Halimbawa:

dala-dalawang bata

pito-pitong dahon

  1. Panunuran

Ito ay nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod ng bilang.

Halimbawa:

una 

ikalima/ika-5

pangalawa

 ikasiyam/ika-9

Kailanan ng Pang-uri

a.      Isahan

Karaniwang payak ang pang-uri at nagpapakilala sa tulong

ng pamilang ng isa, mga panghalip na isahan at ng panandang

ang at si.

Halimbawa:

Isang masipag na magwawalis si Mang Tasyo.

b.      Dalawahan

Nakikilala ito sa pang-uring pamilang na dalawa: sa paggamit

ng unlaping magsing-, magka-, magkasing-, at ng iba pang

unlaping

kapwa, kambal, at iba pa.

Halimbawa:

Kapwa masipag ang mag-asawang Tomas at Nena.

c.       Maramihan

Ginagamitan ito ng panandang pangmaramihan tulad ng:

mga; ng pang-uring pamilang na maramihan tulad ng tatlo,

sampu, sandaan at iba pa; at ng pang-uring inuulit ang unang

pantig ng salitang ugat tulad ng magaganda, ang yayaman, at

iba pa.

Halimbawa:

Himbing na himbing pa ang mga taga-baryo.

Ang dami-dami ng kalat sa labas ng bakuran ni Aling Iska.

next…

Tags: , , , , , , ,

Category: PANG-URI

About the Author (Author Profile)

Comments (62)

Trackback URL | Comments RSS Feed

  1. marc salcedo says:

    hirap talaga maging hihg school

  2. pang uri ay nag lalarawan ng ibat-ibang tindi ng katangian ng pangangalan.

  3. zarina says:

    ang hirap!!!

  4. YEN says:

    HAyy madali lang to

  5. trixie says:

    Thank you so much. This is a big help :) ))))

  6. dj padilla (ako to) says:

    lahat nahap ko ang galing ayos

  7. Mockingjay says:

    Hay, naku! and dali lang nito…… Ewan nalang sa nahihirapan!

  8. pj nav says:

    salamat dahil marami akong natutunan, GOD BLESS YOU

  9. pj nav says:

    NAKATULONG KAYO SA AKING PAG AARAL, SALAMAT PO!

  10. Karen Diocareza says:

    hindi lang ito pang-high school, elementary pa lang tinatalakay na ito…. sa lahat daw ng subject filipino daw ang pinakamahirap sa lahat, baket? ang lalalim kase ng mga tagalog…

  11. ARABELA ANONUEVO says:

    YOU KNOW THIS IS A VERY BIG HELP FOR ME!!!!!!!!!!!!

  12. Florence says:

    this is just a piece of cake…….. itinilakay na namin ‘to no! Pang grade one to!!!!!!!

Leave a Reply