Ano ang Pangngalan? Uri at Kailanan ng Pangngalan?

| September 8, 2009 | 57 Comments

Ang Pangngalan ay mga salitang pantawag sa tao, bagay, hayop, lunan, kalagayan o pangyayari.

Mga Uri ng Pangngalan

Pangngalang Pantangi – ito ay sadya, tiyak o tanging tawag sa tao, hayop, bagay, lunan o pangyayari.

Halimbawa:

Pilipino

Sierra Madre

Juan

Perlas ng Silangan

Pangngalang Pambalana – ito ay karaniwan o balanang tawag sa tao, hayop, bagay, lunan o pangyayari.

Halimbawa:

dayuhan

bansa

kaisipan

lakas

Uri ng Pangngalang Pambalana

Basal – ang basal ay nasa isip, diwa, o damdamin.

Halimbawa:

panaginip

kuru-kuro

kaligayahan

kaunlaran

Tahas – ang mga bagay na nakikita o nahahawakan.

Halimbawa:

papel

lapis

aklat

pahayagan

Lansak – ang lansak ay nagsasaad ng kaisahan sa karamihan o kabuuan.

Halimbawa:

Hukbo

Langkay

Lupon

Bigkis

Kailanan ng Pangngalan

Ang Pangngalan ay mayroon din tatlong kailananIsahan, Dalawahan, Maramihan. Nakikita ito sa paggamit ng salitang-ugat, sa paglalapi, sa paggamit ng mga panandang – ang o ang mga, at sa mga pang-uring pamilang.

Halimbawa:

Kapatid (isahan)

Magkapatid (dalawahan)

Magkakapatid (maramihan)

Tags: , , ,

Category: PANGNGALAN

About the Author (Author Profile)

Comments (57)

Trackback URL | Comments RSS Feed

  1. adzlyn aries 11" 21 says:

    wag na lang kayo mag reklamo………..guyz pasalamat lang tayo maysasagot pa tayo sa assgnment na binigay sa atin,,,,,,,,,,,………………magpasalamat na lang tayo………maraming sa salamat sa inyo………..

  2. Maze says:

    thanks alot!:)))

  3. Candice says:

    Thanks iunderstand it now !!! ^__^

  4. maezkie says:

    tama magpasalamat nalang tayo na may magsagot teh wala na tayong problem////

  5. zaido says:

    bangao kamo hin doro waray na iba

  6. jenny says:

    thak you poh sa lahat

  7. jenny says:

    guys!!!!!!!!!!!!! thanks a lot sa wala !!!!!!

Leave a Reply