Kasarian ng Pangngalan at Kaanyuan ng Pangngalan

| November 21, 2009 | 4 Comments

Kasarian ng Pangngalan

May apat na kasarian ang pangngalan na nagpapakilala kung ang pangngalan ay lalaki, babae, pambalana, at walang kasarian.

1. Panlalaki – pangngalang nagbibigay turing sa lalaki. pari, don, sir, kuya, tatay, lolo, atbp.

2. Pambabae – pangngalang nagbibigay turing sa babae. madre, ma’am, tiya, ate, ditse, nanay, lola, atbp.

3. Pambalana o di-tiyak – guro, kapatid, magulang, kaibigan, kalaro, kamag-anak

4. Walang kasarian o pambalaki – bahay, sinehan, palaruan

Kaanyuan ng Pangngalan

1. Payak – ito ay ang pangngalang hindi inuulit, walang panlapi, o katambal.

2. Maylapi – ito ay ang pangngalang binubuo ng salitang-ugat na may panlapi sa unahan, gitna, hulihan o magkabila.

3. Inuulit – ito ay ang pangngalang inuulit na maaaring may panlapi o salitang-ugat lamang.

4. Tambalan – ito ay ang pangngalang binubuo ng dalawang salitang magkaiba na pinagsasama upang maging isa at may gitling sa pagitan nito.

Tags: , , ,

Category: PANGNGALAN

About the Author (Author Profile)

Comments (4)

Trackback URL | Comments RSS Feed

  1. camille louren cuerdo says:

    thanx

  2. marian says:

    thank you 4 da answer, thank u very much

  3. kleint says:

    thanks for the answers

  4. renajenn says:

    thank you much…

Leave a Reply