Ano ang Pangungusap? Bahagi ng Pangungusap? Ayos at Uri ng Pangungusap

| September 5, 2009 | 70 Comments

 

 

Ang Pangungusap ay lipon ng mga salita na nagsaad ng buong diwa.

Ang pangungusap ay may dalawang bahagi:

Simuno (subject) ay ang paksa o ang pinag-usapan sa pangungusap.

May mga panandang si, sina kung tao ang simuno at ang o ang mga kung bagay, lunan o pangayayari.

 

Panaguri (predicate) ito ay ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi ng kung ano tungkol sa simuno.

 

Halimbawa:

Ang mga bata ay tumatakbo.

   Simuno           Panaguri

bee 

Ayos ng Pangungusap

 

Karaniwang Ayos ng pangungusap kung ang nauuna ay ang panaguri kaysa sa simuno/paksa.  Hindi ginagamitan ng salitang “ay”.

Halimbawa

Bumili ng tinapay ang bata.

(panaguri)             (simuno)

 

 

Ang Di-karaniwang Ayos ng pangungusap kung nauuna ay ang simuno kaysa panaguri at ginagamitan ng panandang "ay".

Halimbawa

Ang bata ay bumili ng tinapay.

  (simuno)   (panaguri)

 

bee

 

Mga Uri ng Pangungusap

 

Paturol o Pasalaysay – ang pangungusap kung naglalahad ito ng isang katotohanang bagay.  Nagtatapos ito sa tuldok (.).

Halimbawa

Tumakbo ng mabilis ang aso.

 

 

Pautos – ang pangungusap kung nag-uutos at nagtatapos din ito sa tuldok (.).

Halimbawa

Kunin mo ang aking damit sa lalagyan.

Anyo ng Pautos

Pautos na Pananggi – Pinangungunahan ng salitang "huwag".

Halimbawa:

Huwag kang lalabas ng bahay.

 

 

Pautos na Panag-ayon – Ito ang paksa ng pangungusap ay nasa ikalawang panauhan at may pandiwang nasa anyong pawatas.

Halimbawa:

Ipagluto mo si Anna ng adobo.

 

 

 

Patanong – ang pangungusap kung nagtatanong at nagtatapos ito sa tandang pananong (?).

Halimbawa

Bakit ka umiiyak?

Anyo ng Patanong

Patanong na masasagot ng OO o Hindi

Halimbawa:

Naglinis ka na ba ng bahay?

 

Pangungusap na Patanggi ang Tanong

Halimbawa:

Hindi ka ba papasok?

 

Gumagamit ng Panghalip na Pananong

Ang mga panghalip ay kinabibilangan ng mga salitang:    ano,    alin,    sino,   saan    at iba pa.

Halimbawa:

Ano ang iyong ginagawa kanina?

 

Nasa Kabalikang Anyo ng Tanong

Halimbawa:

Tayo ba ay aalis na?

 

Tanong na may Karugtong o Pabuntot

Halimbawa:

Dumaan ka na dito, hindi ba?

 

 

 

Padamdam – ang pangungusap kung nagsasaad ng matinding damdamin at nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).  Hala!  Aba!  Ha!  Hoy!  Gising!  Naku!

Halimbawa

Naku, nalulunod ang bata!

Tags: , , ,

Category: PaNgUnGuSaP

About the Author (Author Profile)

Comments (70)

Trackback URL | Comments RSS Feed

  1. kristie says:

    Ngagalak akong magpasalamat sa website na ito. Marami talaga akong natutunan dito. Sana dagdaaaaaaagaan `nyo pa ito para balik-balikan ko ang. Website na ito. Kayo pong mga producers ng araling ito sana hindi kayo masasaktan sa sinabi ng mga ibang mag-aaral na hindi nakaka-intindi. Lalo na kay Kakashiven, sabi niya mali daw. `yung pagka-ayos ng pangungusap, hindi nya nga alam na `yun talaga ang ruling sa Pangungusap.Sana hayaan n`yo nalang. GOD bless!!!!!!!!!

  2. tracy jackie :) says:

    maraming salamat po sa website na ito maraming maraming salamat talaga

  3. tracy jackie :) says:

    solomot tologo hehheeheh………………

  4. paula says:

    maraming solomot po .hehe..makakasagot na po ako sa assignment namin…hehe..maraming solomot po tlaga..

  5. arianne gen says:

    yeheeey!!!!!!dahil po sa website na ito may assignment na ako!!! t.y very much…. :-)

  6. Princess Joviegil Tonog Padilla says:

    thank you poh sa website nyo dahil magiging kumpleto na po report namin at alam ko po na dahil sa mga impormasyon na nakuha ko dito maraming matututunan ang mga kaklase ko….

  7. chelo cueto says:

    thank you po sa info :D ..atlast may assignmet na din ako :D

  8. thank u very much 4 dis

  9. In: Chemistry [Edit categories]

    Searching For Answers?www.Facebook.com
    Use Facebook Questions! Get Quality Answers. Explore Any Topic For FreePhysicsnature.com/scientificreports
    Call for Papers Scientific Reports – Open AccessAds Ads
    Answer:
    chemistry has many important applications in our day to day life…..like
    1. churning of curd.
    2. a clear solution . eg. salt solution, sugar solution which exhibits the properties of a solution…
    3. in preparing various technologies and machines….
    4. making the people aware of poisonous gases.
    5. last but not the least….making our lives more easier and better.

    ~ ^_^ ~

    Read more: http://wiki.answers.com/Q/5_contributions_of_chemistry_to_society#ixzz1yKLUOwBo

  10. christine says:

    Thaank you very much!!!

    Salamat at naka hanap ako ng ganitong website na kumpleto…

    naka project na talaga ako… :) mwahhh

  11. yes!!! may takdang aralin na naman ako… sayang makita ko sana sina Enrique Angadol at Alexander Angadol… at sana ibigay nila phone # nila at sana ung

  12. damit nila kasi magkaiba kami ng unit eh………………………………………………………. sana nga

    THANK YOU AH

    :-) MWAHH WAHHH
    CHUP—–CHUP

    REMEMBER :
    I
    WILL
    ALWAYS
    LOVE
    THEM

    BYE-BYE

    HEHEHE

  13. hayy grabe thxx very much :P :)

  14. LETH says:

    Big thanks po

  15. shyrell says:

    thanks po sa website na ito. Buti nalang merong ganitong website mraming ntutulungan at higit sa lahat natapos ko ang aking takdang aralin. <3

  16. shyrell says:

    at last nagka ka assignment din

    ngayon lang ako nakakita ng website na kumpleto :)

  17. Gericka says:

    maraming salamat sa mga idea mo na nakakatulong.!
    SALAMAT Ulet! :)

Leave a Reply