Talata: Mga patungkol sa Talata

| July 1, 2010 | 1 Comment

Ano ang talata?

Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng isang buong pagkukuro, palagay, o paksang-diwa.


Mga Uri ng Talata

1.      Panimulang Talata – ito ang una at kung minsan ay hanggang sa ikalawang talata ng komposisyon.  Ang layunin nito ay ang ipahayag ang paksa ng komposisyon.

2.      Talatang Ganap – makikita ito sa kalakhang gitnang bahagi ng komposisyon.  Tungkulin nito ang paunlarin ang pangunahing paksa.

3.      Talata ng Paglilipat-diwa – mahalaga ito upang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ng mga pahayag sa mga talataan ng komposisyon.  Ginagamit ito upang pag-ugnayin ang diwa ng dalawang magkasunod na talata.

4.      Talatang Pabuod – madalas na ito ang pangwakas na talata o mga talata ng komposisyon.


Katangian ng mabuting Talata

1.      May isang paksang diwa

2.      May buong diwa

3.      May kaisahan

4.      Maayos

5.      May tamang pang-ugnay sa paglilipat-diwa ng sunod na talata

6.      Wasto ang kayarian

Kaayusan ng Talata

1.      Ayusin nang kronolohikal o ayon sa pagkakaganap ng mga pangyayari.  Karaniwan ang ayos na ito sa mga komposisyong pagsalaysay o palahad.

2.      Ayusin ayon sa pananaw sa bagay o pangyayari, gaya halimbawa ng malapit-palayo o kabalikan nito, mula sa loob-palabas o kabalikan nito, o mula sa kanan-pakaliwa o kabalikan nito.

3.      Iayos na mula sa masaklaw patungo sa ispesipiko.  Ito ang karaniwang ayos na ang paksang pangungusap ang unang pangungusap ng talata.

Tags: , , , , , ,

Category: Retorika

About the Author (Author Profile)

Leave a Reply