Ang Tayutay At Uri ng Tayutay

| October 13, 2009 | 217 Comments

Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat.

books

Mga Uri ng Tayutay

1.      Pagtutulad (simile)

Ito ay isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita’t pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anaki’y, kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp.

Halimbawa:

Ang tao ay kawangis ng Diyos.

 

2.      Pagwawangis (Metaphor)

Ito ay isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing.

Halimbawa:

Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.

 

3.      Pagtatao (Personification)

Ito ay tinatawag ding pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan.

Halimbawa:

Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.

 

4.      Pagmamalabis (Eksaherasyon) (Hyperbole)

Ito ay isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan.

Halimbawa:

Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto.

 

5.      Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)

Ito ay ang pagbanggit sa bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi.

Halimbawa:

Ang panahong ito ng Hunyo ay maulan.

 

6.      Panghihimig o Onomatopeya

Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.

Halimbawa:

Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.

 

7.      Panawagan (Apostrophe)

Ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa Isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.

Halimbawa:

Diyos Ama, ituro nyo po sa amin ang tamang daan.

 

8.      Pag-uyam (sarcasm)

Mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam.

Halimbawa:

Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napaka dumi naman ng bahay.

 

9.  Paglilipat-wika o Transferred Epithet

Tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.

Halimbawa:

Patay tayo diyan.

 

10. Pagpapalit-tawag (Metonymy)

     Isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga   bagay na magkakaugnay.

      Halimbawa:

      Ang anghel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.

Tags: , , , , , ,

Category: TAYUTAY

About the Author (Author Profile)

Comments (217)

Trackback URL | Comments RSS Feed

  1. pwede bang magbigay pa kau ng marami pang halimbawa….natatamad kasi akong mag-isip ehh…plz????
    ;)

  2. thank you nalang….atleast nakatulong dn sakin…
    :*

  3. Letty says:

    tnx poh..nkatulong poh 2 tlaga

  4. april says:

    oo nga at parang kulang pa ang mga ibang naisesearch namin…..:(

  5. april says:

    thank you…………!nalang kahit papaanu may naitulong naman!:)

  6. zhiee says:

    kulang ng sampo

  7. now//// i know what is tayutay

  8. jun says:

    kulang naman
    di ko pa masyadong naintindihan

  9. jane says:

    ‘ nice answer ! .. kompleto at naiintindihan talaqa ! (:
    salamucH sa qUMAWA nito !

  10. ryuzaki says:

    thankz powh!

  11. kung sino man natotong mag patawad>>>>>>>>>
    sino kaya yon…………
    ikaw????????????kaya
    o
    ako???????????????????
    anung klasing tanong yan????????????
    hndi ko alam???????????
    see u,,,,,,,,,,,,

  12. christhopher manabat says:

    Ty sa gnawa nio dhl nkakuha aku ng sagot sa assignment ko…………… ;)

  13. jay says:

    thankssssssssssssssssss

  14. OK na to.. !! atleast nakatulong din saken.. ^_^

  15. OK na to.. ATLeast nakatulong nman..!!

  16. daisy says:

    thanks! nakatulong sa assignment ng anak ko :)

Leave a Reply