Pinagmulan ng mga Planeta… Mundo…

| February 10, 2009 | 38 Comments

Nang ang unang tao ay sumipot sa mundo, mga dalawang milyong taon na ang nakararaan, may mga 14,988,000,000 taon na ang edad ng sandaigdigan.  Ang mundo naman ay mga 4,498,000,000 taon na.

            Libu-libong taon na ring gumagapang ang mga bulati, lumulundag ang mga palaka, tumutubo ang mga kabute, at lumalangoy ang mga isda.  Subalit walang isa man sa mga ito ang nag-abalang tumingala sa kalawakan upang itanong kung paano ginawa at sino ang gumawa ng lahat ng kanyang nakikita.

            Ang tao lamang.  Na napakaraming katanungan.

            Ang walang katapusang mga katanungang ito tungkol sa mga bagay na nakikita sa kalawakan at kapaligiran ang siyang naging dahilan upang magmasid, mag aral, at magbuo ng mga haka-haka at kuru-kuro ang tao.

            Mga 1,300 taon pa bago isilang si Kristo (B.K), abala na ang mga tao (ang pasimuno ay ang mga Intsik o Tsino) sa pagmamasid sa galaw ng araw at buwan at sa posisyon ng mga bituin sa langit.  Pagkalipas pa ng ilang daang taon, nagkaroon na rin ng seryosong interes ditto ang mga Babylonian sa Mesopotamia (lumang pangalan ng Irag), at ang mga taga Egipto.

            Hindi nagtagal, naakit na ring pag-aralan ang kalawakan ng mga Griyegong tulad nina Pythagoras, Heracleides, Aristarchus, Aristotle, at Ptolemy.  Dalawa sa kanila, sina Aristarchus at Aristotle, ang nakabuo ng magkasalungat na teorya tungkol sa mga planeta.  Ang sabi ng una ay ang araw ang iniikutan ng mga planeta; ang sabi naman ng huli ay ang planetangdaigdig ang siyang sentro ng buong sandaigdigan.  Dito raw umiikot ang iba pang mga planeta, pati na ang araw.

            Sa pamamagitan ni Ptolemy- na sang ayon sa teorya ni Aristotle- lumaganap ang ikalawang paniniwala sa loob ng maraming taon.  Nagsimula lamang masira ang paniwalang ito nang dumating ang isang taga-Poland na nagngangalang Nicolaus Copernicus (Mikolaj Korpernik).  Tulad ni Aristarchus, naniniwala si Copernicus na ang araw ang sentro ng sandaigdigan at iniikutan ito ng mga planeta kasama na pati ang daigdig.  Ang paliwanag ni Copernicus tungkol sa galaw ng mga planeta ay higit na naging popular sapagkat, di tulad ng naunang paliwanag ni Ptolemy na salungat sa nakikita ng mga astronomo sa kalawakan, tumugma ang teorya ni Copernicus sa maraming obserbasyon ng ibang tao.

ptolemy

            Si Copernicus ay sinundan pa ng ibang magagaling at napabantog na mga astronomong tulad nina Galileo ng Italya, Isaac Newton ng Inglatera, Tycho Brahe ng Denmark, Johannes Kepler ng Alemanya, Edwin Hubble ng Amerika at iba pa.  Ang iniambag ng mga nabanggit sa siyensya ng astronomiya ay nakatulong nang malaki sa paglinaw ng mga bagay-bagay tungkol sa kalawakan.

            Mula sa mga galaw ng mga planeta, nabaling naman ang pansin ng tao sa paghahanap ng sagot kung paano nabuo ang Daigdig, pati na ang ibang mga planeta at bituing bumubuo sa sandaigdigan.

copernicus

 

 

Pinagmulan ng Mundo – Teorya at Haka-haka

Isa sa pinakaunang paliwang kung paano nabuo ang sandaigdigan ay nanggaling sa Mesopotamia.  Ayon sa mga Babylonian at Assyrian na nakatira sa Mesopotamia noong mga kalahatian ng taong 2000 B.K., ang diyos na si Enuma Elis hang gumawa ng langit at lupa mula sa malawak na dagat.  Sapagkat ang mismong Mesopotamia (na ang ibig sabihin ay lupain sa pagitan ng dalawang ilog) ay nagigitna ng Ilog Tigris at Ilog Euphrates, ipinalalagay na ganito ang nagging paliwanag ng mga Mesapotamian sa pinagmulan ng mundo batay sa personal nilang karanasan.  Ang Mesapotamia ay nabuo rin mula sa tubig, sa naiwan at natipong banlik na dala ng daloy ng Tigris at Euphrates.

            Bago sumipot ang magagaling nilang astronomo, ang mga Griyego naman ay naniniwalang magkadikit ang langit at lupa noong araw.  Nang magkahiwalay ang mga ito ay saka lamang lumitaw ang liwanag, mga tao, mga bundok, mga hayop at iba pang naririto sa lupa.

            Ayon sa paniniwala ng mga Hudyo at Kristiyano, ang ating planeta, at lahat ng laman nito, o mga nasa labas nito, ay nabuo dahil ginusto at binuo ng Diyos.  Matatagpuan ang kasaysayang ito sa Torah ng mga Hudyo at Bibliya ng mga Kristiyano.

            Sa mga taong naimpluwensyahan ng siyensa, ang paniniwalang espirituwal ay hindi sapat.

            Isa sa mga teoryang batay sa siyensa ang teoryang nebular na inilabas ng Pranses na si Pierre Simon de Laplace noong 1796.  Ang mga planeta ayon kay Laplace ay nabuo mula sa mainit na buhag (gas) na mabilis na umiikot sa kalawakan, ito ay lumamig at nagkaroon ng porma, ang maliliit na piraso nito ay nagdikit dikit hanggang sa lumaki at nagging mga planeta.

teoryang nebular

         

  Meron ding teorya na tinatawag na Big Bang.  Ayon dito, ang buong daigdig ay nabuo matapos ang malakas na pagsabog (kaya ito tinawag na Big Bang).  Ang pagsabog na ito ay tinatayang naganap mga 20 bilyon na ang nakalipas at lumikha ng higanteng bola ng apoy at nang tumagal ay nagkadurog-durog, nagging araw, buwan, planeta, mga bituin at iba pa.

            May dalawang aspekto ang teoryang Big Bang.  Ayon sa isa, simula nang maganap ang malaking pagsabog, patuloy na lumalayo ang mga piraso ng bolang apoy sa isa’t isa kaya’t patuloy na lumalawak ang nasasakupan ng buong daigdig.  Ayon sa ikalawa, ang patuloy na paggalaw ng mga bituin, buhag at iba pang sangkap ng buong daigdg ay maaaring tumigil sa paglayo sa isa’t isa at sa halip ay pwedeng bumalik, magsalubong, at magbanggaan.  Kapag nangyari ito, ang simula daw at katapusan n gating daigdig ay parehong magsisimula sa isang malakas na pagsabog.

bigbang theory

 

            Isa pang paniniwala ang Teoryang Planetisimal nina Prop. Thomas Chamberlain at Forest Moulton na binago ni Harold Jeffreys. Batay sa teorya, ang sistemang solar ay mula sa isang malaking bituin na sumabog nang mapalapit ito sa isa pang bituin. Ang isang kimpal na sumabog na bituin ay naging araw, samantalang ang ibang kimpal ay naging pamilya ng planeta ang bawat isa.planetisimal theory

         

 

              Ang Teoryang Kondensasyon ni Robert Jostrow, ang isang araw o bituin ay nagsimula sa pamumuno ng mga masa ng hydrogen, gas, at ng atomic dust. Sa kalawakan na tumatanda, sumasambulat at nagsasabog ng mga pira-pirasong masa at sumasama sa mga bagong namumuong mga araw tulad ng mga planeta at bituin. Ang pangyayari ay paulit-ulit at walang katapusan.

condensation theory

 

            Si George Buffon ay isang naturalista na nagsasabing ang daigdig ay nagsimula sa mga natunaw na sangkap na lumayo sa araw, pagkatapos ng pakikipagsagupaan sa isang Kometa. At ito’y kanyang tinawag na “Dynamic Encounter”.

dynamic encounter theory

Tags: , , ,

Category: Ang Daigdig at ang kanyang nakalipas

About the Author (Author Profile)

Comments (38)

Trackback URL | Comments RSS Feed

  1. ms. someOne says:

    thanks a lot sa info..
    nakatulong ng malaki sa akin to..

  2. Mr. Someone says:

    Salamat inpormasyon , ire-report at e-explain ko pa sa aming titser kung panu nabuo ang mundo namin kc takdang aralin po namin 2 eh!! salamat talaga,,.,,.,Thanks

  3. david says:

    tnxxx…

  4. Abegail Anne Ambayan says:

    thankx a lot. i’ve been researching for this for about 2 hours.

  5. Abegail Anne Ambayan says:

    thankx a lot. i’ve been researching for this for about 2 hours.never finished without this so thank you.

  6. ernie says:

    mamat poh sa lhat!!!

  7. sarah says:

    i need more explanation about dynamic encounter

  8. Xiro says:

    maraming salamat sa answer!! ka hirap eeh!! 1st year pa lng pahirapan nah!! hahaha

  9. bunso says:

    thanks for the information!!!!

  10. jaynel says:

    . . . haeyeah . . .tnx . .

  11. Nikki Austine says:

    THANK GOD!!!!! thanks for the information….

    [nikki austin]
    09994628868

  12. thanxx a lot!!this is a big help..lov it!

  13. cecille says:

    ..tnx!
    kala ko d ko makita ang mga ‘to
    :)

  14. mairene says:

    thnkz a lot;;;;;

    ive been searching this for 2 hrs.d2 q lng pla mahahanap”’

  15. accuu says:

    it was very helpul

  16. james says:

    e2 bah ang teorya ng mga planeta?

  17. ariane lagazon says:

    karagdagan pong kaalaman..!!dynamic encounter.,,parang sinasabi na nagbanggaan ang araw at isang malaking kometa

  18. terence says:

    thanks po sa sagot na ibinigay nyo sa akin!!!!!!!!!!!!!!!

  19. angelene says:

    Tnx.. 4 information about of. This. May explanation na ko sa report k. T.y tlga

  20. monic says:

    hay salamat :) nanadto na lahat hindi na’ko mag papakahirap thankyou so much God Bless O:)

  21. paano ba nabubuo ang araw?

  22. why did we have a sun,planets,comets and meteor?

  23. carl says:

    thats more like it

  24. johmil says:

    paano ba nabuo ang planeta

    ?

  25. alimudin says:

    Haha parang kalukuhan lng i2 dhl wlang sinuman nka kta sa lhat ng pangyayari n00ng wla pang tao sa mundo at n0ong ginawa ng allaha alaihissalam ang mundo kya hnd ako naniniwala sa lhat ng nsavi d2 kalukuhan lng yan ang 220ng p2nay ang sa banal na Qur’an kayo mag research dhl ang banal na qur’an ay galing sa kaisa-isang diy0s jejejeje

  26. Ms. Ew. says:

    Khit maunti yung explanation sa Dynamic, Thank you pa rin ho ! :)

  27. sherick says:

    nice it helps a lot!!!!!

  28. yey! pero kulang padin ung info.. di nyo inilagay kung ano ung mga gnawang theorya ng bawat isa about dian..
    kaparehong kapareho ng nasa libro namin yan.. PROMISE!

  29. WOW GANDA!!!!!!!!!!!!!!!!!!
    SOBRANG GANDA!!!!!!!!!

    GANDANG ITAPON SA BASURA!!!!!!!!!!

  30. ruth says:

    thanks for the info …
    it really helps me a lot!

  31. anna pwet says:

    bwiset lahat bbbbbbbbbbbbbbbbbwiset gets

  32. guesswhat says:

    good..

  33. arjay simple jay says:

    than you for the information its make my ass: easily

  34. ian neil says:

    thank u….may assignment naku!

Leave a Reply