Pinanggalingan ng mga Tao

| February 10, 2009 | 41 Comments

Bukod sa mga planeta, ang pinagmulan n gating mga ninuno ay isa pang katanungan na pilit na hinahanapan ng kasagutan ng mga siyentipiko sa loob ng maraming taon hanggang sa kasalukuyan.

Isa sa nangungunang pangalan sa larangan ng pananaliksik tungkol sa pinanggalingan ng mga tao ay si Charles Darwin. Bago isulat ni Charles Darwin ang “Origin of the Species”, mayroon nang mga naunang siyentipiko na naglabas ng magkakatulad na teorya na ang tao ay hindi basta sumulpot sa daigdig na mukha ng tao. Siya’y unti-unting dumating sa kasalukuyan niyang kalagayan at itsura sa pagdaan ng mga taon. Sa kanyang pagkatig sa teorya ng ebolusyon, si Darwin ang unang nagbigay ng maraming ebidensyang matiyaga niyang tinipon na nagpatunay sa kanyang paniwala. Ganunpaman, hindi nagging madali ang buhay para sa kanya matapos lumaganap ang kanyang teorya. Marami sa mga taong nakabasa ng kaniyang aklat ang nahirapang tanggapin ang posibilidad na ang tao ay maaaring nagmula sa mga bakulaw.

Sa Bibliya, matatagpuan ang kasaysayan nina Adan at Eva bilang mga unang tao sa mundo. Maraming makabagong tao ang naniniwala na ang kasaysayang ito ay isa lamang mito, na hindi dapat basahin sa paraang literal kundi nararapat na unawain bilang katibayan ng pagmamahal ng Diyos sa tao, na siya Niyang binigyan ng pinakamataas na luklukan sa lahat ng Kanyang mga nilikha.

Sa pagsisikap ng marami pang siyentipikong sumunod kay Darwin, nakapagtipon sila ng maraming ebidensya na nagpakita na ang tao ay maraming pinagdaanan bago nakarating sa kasalukuyan niyang kalagayan. Ilan sa mga ebidensyang ito ay ang mga hayto (fossil) o matatandang bungo, ngipin, kalansay, at bakas ng paa na hindi naman galing sa masasabing tunay na bakulaw o tunay na tao.

Noong ika-19 daantaon, nagsimulang maging masigasig ang tao sa pagtuklas sa kanyang pinagmulan. May ilang kalansay ng mga unang tao, ipinintang mga hayop sa loob ng kuweba, mga kagamitang yari sa bato, kalansay ng mga hayop na natagpuan sa ilang lugar sa Europa.

Maraming taon na ang nakaraan, ayon sa pag-aaral ng mga siyentipiko, maraming nilalang ang mukhang bakulaw at lumalakad ng patayo. Dahil sa mukha silang unggoy, higit na mas malaki ang utak nila kaysa sa mga bakulaw.

Mula sa mga hayto na nahukay sa iba’t-ibang lugar, napag alaman na ang mga unang nilikhang mapapagkamalang mga tao sa itsura ay nabuhay sa Aprika, maraming taon na ang nakalipas. Ang mag-anak na Leakey (Louis, Mary-asawa, Richard-anak) ang masipag na gumalugad sa mga lugar sa Aprika na inakala nilang tinirahan ng mga unang tao, at nagbunga ang kanilang pagsisiskap.

Australopithecus (bakulaw na taga Timog) ito ang pangalang ibinigay ng mga siyentipiko sa mga uri ng unang tao. Ito ay may dalawang uri: Australopithecus robustus, higit na malaki, malamang puro gulay ang kinakain batay sa itsura ng kaniyang ngipin, patayo kung lumakad, ngunit hindi tuwid ang katawan, walang noo, walang mga gamit at nakatira sa kagubatan. Australopithecus africanus, maliit at payat, matutulis ang mga ngipin, malamang kumakain ng karne, hindi tuwid ang katawan sa paglalakad, may ginagamit ng kasangkapang yari sa bato at buto, may kaunting noo. Nahukay ang mga bakas at kalansay ng mga ito sa Tanzania at Ethiopia na nasa kontinente ng Aprika. Pinaniniwalaan ng mga siyentipiko na sabay nabuhay ang Australopithecus robustus at ang Homo habilis, higit na bata ang dalawang ito sa africanus na hinihinalang mas naunang lumitaw at maaaring pinagmuan ng robustus at Homo habilis.

Batay sa patuloy na pananaliksik ng mga siyentipiko, naniniwala sila na ang ninuno natin at ninuno ng mga bakulaw ay magkaiba at hindi iisa. Ayon sa kanila, ang tao ay nagmula sa mga nilalang na mukha ring tao at nakakalakad nang patayo.

Homo habilis, itinuturing na talagang ninuno ng mga tao. Batay sa mga nahukay na ebidensya sa Kenya, Aprika, ang Homo habili ay may higit na malaking utak kaysa sa Australopithecus. Ang Homo habilis ay gumagamit ng mga kasangkapang yari sa bato, namuhay bilang kasapi ng pangkat. May mataas na noo, kumakain ng karne at gulay, nakatayo at tuwid sa paglalakad. Nakatira sa kapatagan noong nakakalbo ang ilang bahagi ng makapal na kagubatan at maraming naglipanang mga hayop na maaaring kumain sa kanya. Nagtayo ng tirahan kaysa tumira sa mga kuweba at puno.

Sa pagunlad ng Homo habilis, ito ay pinaniniwalaang nagbigay-daan sa pagdating ng Homo erectus, mapanga, halos walang noo, kumakain ng karne at gulay, nakatayo sa paglalakad, iba-iba ang kagamitan at gumagamit ng apoy, iba-iba ang tirahan. Mula sa Aprika, nakarating ito hanggang sa Heidelberg (Alemanya), Beijing (China) at Java ( Indonesia) ayon sa mga labing natagpuan doon. Ang mga labing natagpuan sa Tsina ay tinawag na Taong Peking at ang nahukay sa Indonesia ay Taong Java. Sa Homo rectus nagmulan ng Homo sapiens, mataas ang noo, kumakain ng karne at gulay, nakatayo at nakakalakad ng tuwid, kung saan-saan nakatira, may mga kasangkapang yari sa bato, metal, kemikal, elektronik at nukleyar. Ang Homo sapiens ang tao ngayon.

May ibang uri din ng tao ang unang lumitaw sa mundo, may tinatawag na Neanderthal at mga Cro-Magnon, malapad at makapal ang kanilang mga bungo, higit na malaki ang laman ng utak kaysa utak ng tao ngayon. Ang mga Cro-Magnon man ay higit na malaking utak kaysa sa atin, mas matangkad kaysa sa atin, malaki ang katawan, sila ay nabuhay sa Gitnang Asya at Europa.

Hindi naniniwala ang maraming antropologo na tayo ay nanggaling sa uri ng mga taong ito. Ang hinala ng iba, tulad ng siyentipikong si Carl Sagan, maaaring malaki ang mga katawan at utak nila subalit nahigitan naman ng itinuturing na mga ninuno natin ang Homo habilis, sa abilidad kung kaya’t nandito pa tayo ay matagal na silang wala.

tao

Tags: , , , , , , , ,

Category: Ang Daigdig at ang kanyang nakalipas

About the Author (Author Profile)

Comments (41)

Trackback URL | Comments RSS Feed

  1. jellah says:

    mganda perfect,,,

  2. dada says:

    ala b maganda

  3. dada says:

    mganda ksing ganda ng katawan ko

  4. hyun says:

    haha ganda ng katawn ko!!!!!

  5. maganda naka22lng samen mga 2nd yr high

  6. maganda onti….??? di maxadong detalye!! ok..

  7. jesh says:

    hahahaha ,,
    kamuka niyo yan !!
    jowk lhun po ??
    mlaking tulong yan pra xa amin !!

  8. carmela says:

    nakatulong to sa assignment ko sa ap ayos ….

  9. fritzie says:

    ang laki talaga ng natutunan ko nong binasa ko yan

  10. fritzie says:

    at nakatulong pa sa project namin

  11. darlino says:

    ayus nakakatulog sapag aaral q

  12. james says:

    wew!!!thanks!!naka help sa mga hinahanap ko!!!!ang haba!!!! nakakapagod sumulat!!!! hahaha!!!

  13. Len says:

    ayus na to’ nakatulong ng onti sa assignment sa a.p…. hirap maging third year highschool ah…hmpt,hussle!

  14. sheena says:

    maganda ito dahil dito makikita ang lahat ng mga sinaunang tao………… marami ka ring matutunan dito…….. love it………

  15. jerry says:

    salamat dito dahil marami ako natutunan

  16. via says:

    hmmmmmmmmm………i need much more bigger pix but tnx

  17. maraming salamat po
    nakatulong rin to sa assign namin

  18. justin says:

    salamat po malaking tulong po to sa pag-aaral ko.

  19. macky says:

    i love philipines so that i love pinoy like pinoy the presedent of the philipines ilove you so muchhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

  20. lyn g. says:

    it’s more fun in the pilipinas

  21. jhayreen_001 says:

    aus to..mtagal ko na tong hinahanap..sobrang naka2long to..

  22. jesalyn says:

    hmmmmmmm……..tnx…….dahil na ka tulong to sa assign ko………:)

  23. Ken says:

    Thanks =)

  24. dhen says:

    .mabuti na .!

  25. mali ung picture dapat nakayuko si “habilis”
    :P

  26. malaking mali dapat origin of species nakatuklas,uri ng natuklasan,lugar at taon at katangian ng natuklasan.
    dapat nauuna ang austrolopthecus,sunod ang homo erectus,homo sapien at ang homo habilis. hindi namn kinakailangan na mahaba ee.

  27. winchell isabelle layola says:

    wala lang,wala akong magawa ehh……hehehehehehhehehe

  28. janel etillo says:

    kakainis pag highschool na eh
    ang hirap ng mga ass. lalo na sa a.p!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  29. Maima Mondares says:

    thanx .. d man maxadong kumpleto atleast it helped .. :) God bless .

  30. len says:

    thanks.
    dami kong natutunan
    :)

  31. kassandra says:

    WWWOOOWWW!!!GRABE ANG GANDA NG MGA SINABI!!I LIKE!!!

  32. ang saya hindi pala Diyos lang ang nakakagawa ng tao pati na rin ang mga scientist……………

  33. Hazel Ü says:

    hahah . Sige , Pwede na den . =)))) Nakatulong Din kahit papano . Tnx .

  34. denmark says:

    GRABE! ANG HABA!pero ayos…

  35. cRuSaDEr says:

    mas sexy pa mama ko nyan

  36. divine grace fernando says:

    maganda sia nkatulong talaga ito sa akin lalo nat mai report kami bukas tungkol sa ebolusyon ng tao. ang laki talaga ng naitulong nito sa akin . thankz much :-)

  37. Earl says:

    salamat sa mga bumasa atleast hindi nasayang ung paggawa ko sa website na ito sige aral lang
    im in 3rd year high school ka ya nio yan

Leave a Reply