Ang Paglitaw ng mga Sibilisasyon sa Mundo

asia

Unang nagkaroon ng sibilisasyon sa ating kontinente, sa Asya.

Ang sibilisasyon o kabihasnan ay umiiral kapag ang mga tao ay marunong nang bumasa, sumulat, at magtabi ng mga tala tungkol sa kanilang buhay, lipunan, tradisyon at mga institusyon.

  • Ang sibilisasyon ay nakakamit dahil sa pag-unlad ng pagkatao ng tao.
  • Ito ang siyang naghihiwalay sa atin sa mabababang uri ng hayop.
  • Ang sama-samang kakayahan, pangangailangan, at talino ng mga tao ang siyang pinagmulan ng isang sibilisasyon.
  • Binubuo ito ng mga kaugalian, uri ng pamahalaan, paraan ng pamumuhay at mataas na antas ng kaunlaran sa kultura at teknolohiya.
  • Ito ay unang umiral sa Asya.

Ang paglitaw ng sibilisasyon sa mundo ay nagmula sa pag-unlad ng tao.

Ito ay naganap sa loob ng maraming taon at binuo ng ilang suno-sunod at magkakaugnay ng mga pangyayari.

Ang mga dating mangangaso, na ang mga kasangkapan at sandata ay nagmula lamang sa mga tipak ng bato, natuto silang magtanim at mag-alaga ng hayop.

Nang matuto silang magtanim at mag-alaga ng hayop para sa kanilang pagkain at damit, din a sila nagpalaboy-laboy. Namirmihan sila sa isang lugar na siyang nagging daan para matayo ang mga unang pamayanan.

Isang mahalagang katangian ng mga lugar ng pamayanan ang pagkakaroon ng tubig.

Ito ang dahilan kung bakit lahat ng maaagang pamayanan sa bayan ng Mesapotamia ay natatag sa mga tabi ng Ilog Tigris at Ilog Euphrates.tigris river

Ang mga ilog ang nagsilbing inuman ng mga tao at ng kanilang mga alagang hayop.euphrates river

Ito rin ang nagging patubig sa kanilang mga bukirin.

Nang lumaon, lumaki at umunlad ang mga pamayanan at nagging siyudad.

Ang pagtatatag ng mga siyudad na tulad nito ay kinikilalang isang mahalagang sangkap ng sibilisasyon.

Sa Mesapotamia unang nagkaroon ng mga siyudad makaraan ang taong 3500 B.K.

Naghalu-halo rito ang mga magsasaka, mga pastol, mga mayamang negosyante, at mga pari.

Nagmula sa mga mayayamang negosyante at mga pari ang namuno sa mga pamahalaang itinatag upang pangasiwaan at ayusin ang pang-araw-araw na buhay sa mataong siyudad.

Ang malaking bahagi ng maagang pag-unad ng Mesapotamia ay utang nito sa mga Sumerian na tinatayang dumating sa Mesapotamia noong banding 4000 B.K.

Mayroon ding nagsasabing ang mga Sumerian ay pumasok ng Mesapotamia makaraan ang 3500 B.K. Sila ay tumira sa katimugan ng Mesapotamia na tinawag nilang Sumer.

Ang mga Sumerian ang unang gumamit sa dalawang ilog ng Tigris at Euphrates bilang patubig sa kanilang mga bukiring natatamnan ng trigo at barli. Nag-alaga din sila ng mga hayop.

Dahil sa Sumerian, ang mgasumusunod na pagbabago ay naganap sa Mesapotamia:

  1. nagkaroon ng higit na malalaking pamayanan
  2. natatag ang mga siyudad na may sariling pinuno
  3. naging malalaking templo ang maliliit na sambahan
  4. nagkaroon ng pakikipagpalitan ng mga kalakal sa ibang bansa
  5. nagkaroon ng pamantayan para sa sukat at timbang ng mga kalakal
  6. naimbento ang sistemang decimal
  7. natipon sa isang kodigo ang ilang mga batas na pumatnubay sa gawain ng mga tao
  8. naimbento ang pagsusulat

Taong 3100 B.K. nang unang magkaroon ng dokumentong nasusulat sa istilong cuneiform ng mga Sumerian. Sagana ang Mesapotamia sa luwad at ito ay ginamit na sulatan ng mga Sumerian. Lahat ng mga bagay na mahalaga para sa mga Sumerian ay isinusulat sa malambot na luwad, hinurno, at itinago.

Ito ang dahilan kung bakit mayroon tayong nalalaman sa ngayon tungkol sa mga naganap noon.

cuneiform

fabienne-curty

Ang sibilisasyong Harappa sa India

Ang mga bundok ng Himalaya ang naghihiwalay sa India sa iba pang mga bansa sa Asya.

Ito rin ang pinanggagalingan ng kanyang dalawang malalaking ilog:

  1. Ilog Indus
  2. Ilog Ganges

Sa mga lugar na dinaraanan ng Ilog Indus unang nagkaroon ng mga pamayanan at sa Indus nanggaling ang panggalang India.

Limang (5) sanga ng Ilog Indus:

· Jhelum

· Chenab

· Ravi

· Beas

· Sutlej

Ang mga ito ang nagdidilig at nagpapayaman sa kapatagan ng bayan ng Punjab na ang ibig sabihin ay “limang ilog”.

Noong mga 2000 B.K., mataas na ang antas ng kultura sa Punjab at ang impluwensya nito ay laganap sa mga lugar na dinadaluyan ng Indus.

Ang mga unang pamayanang nagsasaka at namimirmihan sa iisang lugar sa India ay tinatayang nagsimula noong 5000 B.K. sa mga bayan ng Baluchistan at Sind.

Ang dalawang bayang ito, at gayun din, halos ang buong Ilog Indus ay sakop ngayon ng bansang Pakistan na itinatag noong 1947.

Sa kasalukuyan din, ang dating Baluchistan na maraming ilog, gubat, at mga bukid noon ay isa nang disyerto.

Related posts:

  1. Tuklasin ang sibilisasyong Harappa at Mohenjo-Daro
  2. Ang Sibilisasyon sa Tsina, Ilog Huang He at Ilog Yangtze
  3. Ang mga unang Lahi sa Mundo
  4. Ang Mga Siyudad-Estado, Athens at Sparta
  5. Pinagmulan ng mga Planeta… Mundo…

Filed Under: Ang Ilog, Siyudad at Unang Sibilisasyon sa Asya

Tags:

About the Author:

RSSComments (3)

Leave a Reply | Trackback URL

  1. hey! guys who made the website TAKDANGARALIN.COM. Thank You very much. you know I say Thank You b’coz when there’s no TAKDANGARALIN.COM I have no assignments too b’coz I get my assignments in this website…..THANK YOU TO ALL

    I LOVE YOU SOOOO… MUCH

    I hope ALL your WISHES will be COMMAND.

  2. paul comodas says:

    thank u for imformation…………….

  3. thank u for the information…
    it’s complete and brief…
    more power to your website!

    domo arigatou!

Leave a Reply




If you want a picture to show with your comment, go get a Gravatar.