Tuklasin ang sibilisasyong Harappa at Mohenjo-Daro

| August 5, 2009 | 13 Comments

kagamitan ng mga mohenjo-daro

Walang gaanong talaan ang naiwan tungkol sa simula ng sibilisasyon sa India.

Ayon sa mananalaysay…

  • Nagkaroon ng sibilisasyon isalibong taon matapos ang Mesapotamia
  • O magkasunod lamang na natatag ang sibilisasyon sa Mesapotamia, India at Egipto.

Ang pinakahimpilan ng sibilisasyong Harappa – na ang pangalan ay kinuha sa sa pangalan ng isa sa dalawang malalaking siyudad ng sibilisasyong ito – ay natatag sa kaliwang pampang ng Ilog Ravi, sa may Punjab.

Ang isa pang siyudad, ang Mohenjo-daro ay nasa kanang pampang naman ng Ilog Indus.

Bukod sa 2 siyudad na ito, marami pang natatag na maliliit na nayong malapit lahat sa mga ilog ang sakop ng sibilisasyong Harappa at tinatayang umunlad ang mga ito mula 2350 hanggang 1750 B.K.

Nagtanim din ng mga makakain ang mga Harappan, nag-alaga ng mga hayop, nagtayo ng mga siyudad, daan, malalaking gusali at pabrika. Ang nagpairal ng isang sistema ng pamamahala na pinondohan sa pamamagitan ng mga buwis ng tao.

Ang pangunahing tanim ng mga Harappan ay trigo, barli, gisantes, linga at bulak.

Ang mga nayon sa Baluchistan ang naging kapalitan ng kalakal ng Harappa at Mohenjo-daro. Sa Mohenjo-daro matatagpuan ang mamahaling hiyas at metal, sila ay nakipagkalakalan din sa Persia, Mesapotamia at Tibet.

Nagkaroon ng sariling sistema sa pagsulat at gumamit ng 270 titik ang mga Harappan.

Ngunit hanggang sa kasalukuyan wala pang nakakatuklas kung paano babasahin ang mga sulat nila na karamihan ay nakatitik sa mga piraso ng bato na maaaring ginamit bilang mga agimat.

mohenjo-daro at harappa

Kahit marunong gumamit ng purong tanso at tansong may halong lata, ang mga Harappan ay nagpatuloy sa paggamit at paggawa ng mga kagamitang bato.

Ang mga pigurin, estatwa, banga at mga alahas nilang yari sa bato, luwad at metal ay nagpapakita ng tiyaga at galing ng mga Harappan.

Ang mahusay at mabilis na teknolohiya ng mga Mesapotamian ay hindi pinakinabangan, sapagkat hindi ito pinansin ng mga Indian.

Ayon sa ilang mananalaysay, kaya ganito ang gawi ng mga Indian ay masyado silang konserbatibo. Ang konserbatismong ito ay maaaring siyang dahilan kung bakit hindi nag-aabaang lumipat ang mga taga Mohenjo-daro habang pataas nang pataas ang Ilog Indus. Sa halip, tuwing lulubog ang gusali nila sa tumataas na tubig ng ilog, muli nanaman silang magtatayo sa ibabaw nito ng panibagong gusali na kapareho ng una. Sa kagaganito nila, nang maghukay ang mga arkeologo sa dati nilang himpilan, nakikita ang mga ito ng siyam na gusali na magkakapatong sa iisang lugar na palaging binabaha.

Ang konserbatismo ng mga Indian ay makikita rin sa mga bahay na itinayo nila. Pare-pareho ang mga ito, ngunit magkakaiba lamang sa laki o liit.

Lahat ay gawa sa ladrilyo at walang mga bintana ang bahaging nakaharap sa kalye.

Nakaplano ang malalapad na daan sa mga siyudad, pati ang mga paliguan at kanal. May malalaking paliguan din na naliligid sa mga silid. Ito ay hinihinalang ginamit sa mga seremonyang panrelihiyon.

  • Ang Harappa ay sinalakay ng mga kalaban mula sa kanluran.
  • Paulit-ulit na pinatatag ng Harappan ang depensa ng siyudad.
  • Unti-unitng sinakop ng mga barbaro ang mga probinsya sa paligid nila

Nagsikip nang husto ang Mohenjo-daro at nawalan ng kaayusan ito bago tuluyang nakapaso ang mga kaaway.

Ang pagkamatay ng sibilisasyong Harappa ay isinisi sa mga Aryan. Ang mga Aryan ay galling sa mga tribong nabuhay noong mga 2000 B.K. sa malalawak na kapatagang nagmula sa bansang Poland hanggang sa Gitnang Asya. Kumalat ang kanilang tribo sa buong Europa at Asya. Nakipamuhay at nagpakupkop sa ibang mga tribo, sa maunlad ng sibilisasyon, nag-asawa, at nagging ninuno ng mga Griyego, Romano, Ingles Aleman, Turko, Iranian, Syrian, Yugoslavian at Scandinavian.


Mababa ang nagging tingin ng matataas, mapuputi at matatangos ang ilong na Aryan sa maiitim at pangit na Harappan.

Winasak ng mga Aryan at sinunog ang mga tirahan ng mga Harappan.

Ginawa pa nilang mga alipin ang mga Harappan na itinuring na pinakamababa sa lahat ng klase ng tao.

Ang mga Harappan ay tinawag na “dasa” na ang ibig sabihin sa Sanskit ay “alipin”.

Ang mga Aryan na nakapag-asawa ng mga dasa ay itinakwil ng kanilang mga dating katribo.

Tags: , , , , , , , , ,

Category: Ang Ilog, Siyudad at Unang Sibilisasyon sa Asya

About the Author (Author Profile)

Comments (13)

Trackback URL | Comments RSS Feed

  1. Peter says:

    ty po sa pag lagay nito…
    malaki ang maitulong nito sa reporting ko sa skul namin.. proj kasi namin ito… THANK YOU talaga!!!!

  2. venus says:

    bogo mong tananThank you

  3. jesseluvzgeobeth says:

    thanx talaga,kc report q to ehhh,,salamat talaga…malaki ang natulong nito sa akin… <3

  4. thanks sa nag lagay nito..

  5. jocel says:

    thanks po s apag lagay nito..1 it helps alot ;)

  6. marvin_18 says:

    thanks….malaking bagay ito sa assignment ko…

  7. anvie26_10 says:

    slamat tlgah kailangan i2 s hw que post uli ahh pls lng……

  8. mhike_28 says:

    thanks ha….
    malakiing help to for me

  9. marielle_05 says:

    tnx,for this. . .
    it helps me a lot

  10. cj says:

    dito ko nalaman ang history

  11. bea says:

    hay tnx po sa tulong nito kahit na wrong ang sagot atleast may nasagot,,,,yeah right :-) tnx a lot….

    TNX HISTORY!!!!!!

Leave a Reply