Ang Teoryang Tulay-Lupa at pagkatunaw ng mga yelo

| July 16, 2009 | 5 Comments


Ayon sa teoryang tulay-lupa, kabit-kabit dati ang mga lupain ng mundo at nagmukha lamang hiwa-hiwalay, tulad ngayon, sapagkat natunaw ang mga bundok ng yelo na nabuo noong

Panahon ng Yelo o Pleistocene; tumaas ang dagat, at ang mabababang lupa ay lumubog. Ang mga tulay-lupa ay matagal nang pinaniniwalaan ng marami sa siyang dahilan kung bakit nakapaglakbay sa magkakahiwalay na kontinente ang mga unang tao, at may magkakamukhang mga halaman at hayop sa magkakalayong lugar.

Ayon sa mga tagasuporta ng teoryang ito, ang kontinente ng Asya at Europa o (Eurasya) ay parehong nakakabit dati sa Aprika sa pamamagitan ng tangkay (isthmus) ng Suez. Sa Kipot Bering naman ay naroroon ang mga tulay-lupa na siyang nagdurugtong sa Eurasya sa Hilagang Amerika. Ang Hilagang Amerika man ay nakakabit sa Timog Amerika sa pamamagitan ng tangkay ng Panama simula pa noong Panahon ng Yelo.

Dati ring magkakadikit at kalian lamang nagkahiwa-hiwalay ang New Guinea, Tasmania, at ang ilang isla ng Melanesia. Ang disyerto ng Australia ang nagsisilbing pinakapusod ng pangkat na ito.

Ang pinakamababaw na bahagi ng dagat sa buong mundo ay matatagpuan sa palibot ng Timog Silangang Asya at Australia. Sa mga lugar na ito hinihinalang lumitaw ang mga tulay-lupa noong magkaroon ng malawakang pagyeyelo at ang tubig ng dagat ay naging mga bundok na yelo. Ang ininaba ng tubig ng dagat noon ay tinatayang umabot ng mga 73.15 metro (240 talampakan)

Tags: , , ,

Category: Ang mga kontinente ng Mundo at Ang mga Lahi ng Tao

About the Author (Author Profile)

Comments (5)

Trackback URL | Comments RSS Feed

  1. arianne says:

    thanks to this i have answered my teach correctly

  2. Aku Budoy says:

    Thank you po sa all info sana po lumaganap ang website na ito; nagawa ko po ang aking assgnment… xD

  3. Nakatulong din nman sa gagawin kong Report :) ) Salamat

  4. rico says:

    ako po nga wa kpo ung ass kpo agad dbest po ito

Leave a Reply