Ang Sibilisasyong Minoan at Mycenaean

| October 10, 2009 | 22 Comments
  • Ang unang sibilisasyon ng bansang Gresya ay lumitaw sa isla  ng Crete sa pagitan ng 3000 at 2000 b.k.
  • Ang sibilisasyong ito ay tinawag na Minoan sa karangalan ni haring minos na sinasabing naghari noon doon.

minoan

  • Sa Knossos, ang kabisera ng Crete, natagpuan ng mga arkeologo ang magarang palasyong Minoan nang maghukay sila noong 1900.

  • Pagsapit ng mga banding 1600 b.k, naglitawan naman sa may Mycenae ang mga manggagaya sa maluho at maunlad na pamumuhay ng mga taga-knossos.
  • Mycenaean ang itinawag sa sibilisasyong binuo ng mga taong ito. mycenaean
  • Sa loob ng ilang panahon, kapwa nagpaligsahan ang mga sibilisasyong Minoan at Mycenaean upang masolo ang pangangalakal sa silangang bahagi ng dagat mediteraneo.
  • Naputol lamang ang paligsahang ito nang sinamangpalad na mawasak ang isla ng crete ng malalaking along gawa ng pagsabog ng bulkan sa karatig-isla ng Thera.
  • Matapos mawasak ang crete, nagsimula namang mamayani ang mga taong siyang tinawag na mga Griyego sa mga baying nakapalibot sa dagat Aegean.
  • Mula noong 2000 hanggang 1200 b.k., nagdatingan sila sa mga isla sa dagat Aegean at doon na nanirahan.
  • Kasama ang mga taga-mycenae, maraming pananalakay na ginawa ang mga ito sa halos lahat ng parte ng baybay-dagat ng mediteraneo.
  • Ang egipto ay ilang beses din nilang sinalakay bago sila tinalo at napatigil ng mga egipcio.
  • Makaraan ang 1200 b.k., ang mga dorian naman, na gumagamit ng wikang griyego, ang dumayo at tumalo sa mga pinunong Mycenae.
  • Marunong nang gumamit ng asero ang mga dayo at ang kaalamang ito ang ginamit nila upang pabagsakin mula sa kapangyarihan ang mga aristokratang naghahari sa Mycenae.
  • Pati ang siyudad ng Troy na nasa gawing hilagang-kanluran ng asya minor ay kanilang sinalakay at sinakop.

Panahon ng kadiliman

  • Sapagkat ang mga sumakop sa troy, Mycenae, at iba pang mga bayan sa may dagat Aegean ay itinuturingna mga barbaro, tinawag ng mga tao ang panahon ng kanilang paghahari na panahon ng kadiliman para sa Gresya.
  • Ang mga mananakop ay walang kinikilalang batas, walang matinong sistema ng pamahalaan, walang karanasan sa pakikipagkalakalan, at ang buong buhay ay umiikot lamang sa kani-kanilang mga pamilya at maliliit na pamayanan.
  • Ang binansagang panahon ng kadilimang ito, sa ilalim ng mga tinawag na griyego ay umabot ng mga 1,070 taon, mula 1150 hanggang 800 b.k.
  • Upang umunlad, pinayaman ng mga nagtagumpay na mananakop ang simple nilang nalalaman sa pamamagitan ng panghihiram mula sa mga Minoan, Mycenaean, at pati sa mga naunang sibilisasyon sa asya. Pinaghalu-halo nila ang mga hiram na kaalaman at bumuo ng sarili nilang kultura.
  • Bago dumating ang ikawalong dantaon, b.k., ang kulturang ito ay laganap na sa punong-lupa ng Gresya hanggang sa mga isla sa dagat Aegean at sa kanlurang baybayin ng asya minor.
  • Pinangalanan ng mga griyego ang mga teritoryong inangkin nila ng hellas, sunod sa pangalan ng kinikilala nilang ninuno, si Hellen.
  • Ang nabuong bansang griyego ay mabundok at makikitid ang lambak at kapatagan. Ang lupa mismo ay mabato at walang itinatagong yaman. Di tulad ng mga sibilisasyon sa asya, walang malalaki at mabibiyang ilog na maaring makatulong sa mga pananim.
  • Ang marami ay ang mga look, at natural na mga daungan ng sasakyangdagat.
  • Yaong mga griyegong dating lagalag na namirmihan sa iisang lugar ay nagsipagtanim ng barli, ubas, at oliba. Ang tatlong ito ang nagsilbing pangunahin nilang ani.
  • Sapagkat hindi nila maasahan ang lupa at paparami ang mga taong kailangang kumain, hindi tuluyang napirmi ang maraming griyego. Muli silang naglayag at naghanap ng iba pang mga isla na maaari nilang tirhan. Ginalugad nila mula dagat itim hanggang sa mga baybayin ng espanya. Sa mga pampang sa kahabaan ng dagat mediteraneo sila nagtatag ng mga kolonya para sa Gresya.

Ang pagpapanatili ng iisang diwa

  • Gaano man kalayo ang marating ng mga griyego, sinikap nilang mapanatili ang pagkakaisa ng kanilang mga diwa. Tuwing apat na taon mula noong 776 b.k., idinaraos sa Olympia sa isla ng Peloponnesus ang isang malaking pagtitipon na dinadaluhan ng lahat ng mga griyego. Sa pagtitipong ito para sa karangalan ng diyos nilang si Zeus, nagpapaligsahan ang pinakamagagaling na atleta mula sa lahat ng mga probinsya ng Gresya.

next…

Tags: , , , , , , , , , ,

Category: Ang Simula ng Sibilisasyong Kanluran

About the Author (Author Profile)

Comments (22)

Trackback URL | Comments RSS Feed

  1. gee-anne says:

    thanks for the great idea

  2. 'g-Em. SeRaph' says:

    comprehensive :)

  3. deanne says:

    salamat po sa aking nalaman thanks nakatulong sa akin

    :) )

  4. archie says:

    thank you
    ngayon marami na akong nalalaman

  5. christian virgil says:

    ahhhahhaah ganun talaga ang sibilasyong greece

  6. DHELIIEE says:

    TNANKS FOR A NEW IDEA

  7. DHELIIEE says:

    TNANKS FOR A NEW IDEA;)

  8. Spygurl says:

    Chakaness masyado..

  9. maraming salamat poh

  10. JN Pasigna says:

    salamat sa pagbigay ng ediya…

  11. cj cadorna says:

    maraming salamat sa inyong magandang impormasyon tungkol sa kabihasnan ng gresya !!!

  12. myrtle says:

    tnz 2 all the learnings I’ve got ^^

  13. sana poh mas maraming pictures ….hehehe

  14. sana poh mas maraming pictures ….hehehe

  15. glydel mercado says:

    maraming salamat po sa impormasyong nakalap namin ….

  16. Le-anne says:

    Great! :)

  17. Stephanie Smith says:

    Maraming salamat sa mga impormasyong binigay ninyo. Malaking tulong po ito sa aking pag-aaral sa asignatura ng araling panlipunan. Ngayon, lumalawak na aking kaalaman tungkol sa sibilisasyon ng Minoan at Mycenaean.SALAMAT NG MARAMI!!!!!! :*

  18. PauL says:

    ahehehe salamat =D

    may report na ko sa THURS BOoM =D

  19. kim says:

    maraming salamat po

Leave a Reply