Pilosopong Griyego at Panitikang Griyego

| October 10, 2009 | 3 Comments

Ang Mga Pilosopong Griyego

  • Unang naglitawan ang mga pilosopo sa Gresya noong ikaanim na dantaon,b.k. unang napagtuunan ng kanilang pansin ang mga diyos at diyosang griyego na pinaniniwalaan nilang nakatira sa bundok Olympus.

  • poseidonTumanggi ang mga pilosopong griyego na maniwala na kaya  bumabagyo sa dagat at lumulubog ang kanilang mga barko ay dahil nagagalit ang diyos ng dagat na si Poseidon.
  • Ayaw rin nilang maniwala na kaya nagkakaroon ng tagyelo, ng mga panahong walang ani, ay dahil demeteribinilanggo ni Hades si Persephone sa kanyang kaharian sa ilalim ng lupa at ang pinagbunutan ng galit ng ina nitong si  Demeter, na diyosa ng agrikultura, ay ang mga bukirin ng tao.
  • Isang dahilan kung bakit napag-initan ng mga pilosopo ang mga diyos at diyosang ito ay ang kawalan nila ng kredibilidad.
  • herazeusDiyos nga ang tawag sa kanila subalit, hindi sila perpekto. Isang  halimbawa na lamang ang pinakaama nila, si Zues, na kahit yaong mga karaniwang babae at hindi diyos na tulad niya ay pinapatulan; at ang asawa niyang si Hera na isang  intrigera.
  • Hindi rin bihira ang mga awayan at inggitan sa bundok Olympus. Para sa mga pilosopo, ang masasamang gawain ng mga diyos at diyosa ay nakakaiskandalo. Dagdag pa nila na higit na kailangang magkaroon ng moralidad ang mga ito sapagkat kahit ang mga karaniwang tao ay hinahanapan din ng matinong ugali.
  • Mula sa ganitong payak na simula, umunlad nang umunlad ang pilosopiya sa Gresya. Lumitaw ang tatlong bantog na pilosopong sina Socrates, Plato, at Aristotle.

socrates

  • Si Socrates ang guro ni Plato at si Plato naman ang guro ni Aristotle.
  • Si Aristotle naman ang naging guro ni dakilang Alexander, na higit na nakilala bilang mandirigma kaysa pilosopo.
  • Ang sistema ni Socrates upang matamo ang katotohanan ay ang paulit-ulit na talakayan na binibigyan niya ng tamang direksyon. Hindi nagustuhan ng ibang griyego, matangi kay Plato, ang ganitong pamamaraan.
  • platoSi Plato ang nagtatag ng paaralang tinawag na academia sa Athens noong 385 b.k. malawak ang nagging impluwensya ng paaralang ito at umiral nang mahigit 900 taon makaraang mamatay si plato.
  • Bagama’t Athenian, walang gana si Plato sa demokrasya at higit niyang hinangaan ang disiplinadong lipunan ng Sparta. Para sa kanya, nararapat lamang na magkaroon ng pagkakahati-hati ang mga tao, at hindi ang labu-labong sistema ng Athens ang dapat masunod.
  • aristotlePara naman kay Aristotle ang mabuting pamahalaan ay dapat  pamunuan ng panggitnang klase ng tao, yaong di mayaman at di rin mahirap. Ayon sa kanya, ang mahihirap ay hindi marunong mag utos at ang mayayaman ay hindi marunong sumunod. Tanging ang panggitnang uri lamang ang marunong mag-utos at sumunod kaya’t sila rin ang higit na nababagay na mamuno sa pamahalaan.

Ang Panitikang Griyego

  • Si Homer ang pinakasikat sa mga bumuo ng panitikang griyego, siya ang itinuturing na ama ng epikong griyego dahil sa dalawang malalaking obra niya, ang odyssey at ang iliad.
  • Bukod sa mga epiko, gumawa rin ang mga griyego ng mga komedya, trahedya, drama, at kasaysayan ng mundo (o ng mundong kilala nila).
  • Tatlo sa pinakamagagaling na manunulat ng drama sa gresya: sina Aeschylus, Sophocles, at Euripides.
  • Sina Herodotus at Thucydides naman ang mga maestro pagdating sa kasaysayan “ng mundo.”

next…

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

Category: Ang Simula ng Sibilisasyong Kanluran

About the Author (Author Profile)

Comments (3)

Trackback URL | Comments RSS Feed

Sites That Link to this Post

  1. Lipunan ng at Pagbagsak ng Athens | Takdang Aralin | October 10, 2009
  1. jaia says:

    ah eh! ang hirap maging high school ! shet

  2. tyson dota says:

    ang nagtatanong ka nga pero iba lagi lumalabas

Leave a Reply